KARARATING LANG ni William Thio mula sa Hong Kong dahil naimbitahan siyang maging hurado sa isang international dog show competition at nabanggit nito na medyo may problema siya sa kanyang visa papuntang Hollywood, USA para tanggapin ang kanyang parangal bilang 2015 Gawad Amerika Most Promising News Personality.
Ayon sa kanya, handa na ang kanyang mga gamit papuntang Hollywood, kung saan gaganapin ang nasabing bigayan ng parangal ngayong Nobyembre 7, 2015.
“Magkakaproblema ‘ata ako because I was so busy these past days sa aking pagiging news anchor sa Why News ng UNTV at GNN. Hindi ko napansin na up to this time what I have is a student visa na gamit ko pa noong nag-aral ako sa USA. Sana maayos ito ngayong October para hindi naman masayang ang paghahanda ko sa nasabing big event,” pahayag nito.
Speaking of hurado, kuwento nito na para maging hurado, kailangan ang alaga mong aso ay naging champion by points nang tatlong beses. Aniya, “Para ma-qualify ka to be a judge you have to breed at least 3 champions then take written exams and practicum twice. If you pass, you will have probationary status and this will entitle you to judge locally for 5 times before you can judge.”
Kokonti lamang ang nakakaalam na nag-aalaga pala ito ng mga highly breed dogs para sa international competitions. Katunayan, katatanggap lang nito ng kanyang lisensya noong isang taon mula sa Philippine Canine Club. Inc. para maging hurado mula sa Pomeranian breed.
Sa puntong ito ay gusto namin siyang batiin sa pagkapanalo ng kanyang Kennel breed named Enzo noong September 9, 2015 sa European Junior Champion Thai Silk sa Oslo, Norway na mahigit sa isang libong mga aso ang nakalaban.
Samantala, ang pinakasikat nitong aso na si Pierce ay nanalo sa Eukanoba National Championship noong 2010. Nanalo na rin ito sa America, Thailand, at dito sa atin. Kaya, kung bibilangin ang kanyang napanalunang parangal ay umabot na ito nang mahigit sa isang libo. Congrats!
John’s Point
by John Fontanilla