ETO, ATIN-ATIN LANG, ha? May nakatsikahan kami, super friend ni Willie Revillame. Ang tsika sa amin eh, abangan daw namin ang pagbabalik ni Willie sa Wowowee.
“Hintayin mo, nagbabakasyon lang. Kung hindi August, September ang balik niya, kaya ine-enjoy niya muna ang buhay niya ngayon. Dinadalaw-dalaw lang namin para malibang-libang.
“Saka na-realize na rin niya ang mga pagkakamali niya. Basta, wait mo na lang, okay?”
NAKU, HINDI LANG ‘yon ang nasagap naming tsika. Alam n’yo ba kung ano? Nakarating na raw sa mga co-hosts na mga girls na magbabalik na nga raw si Willie, pero dalawa sa mga babaeng co-host ang nagbaba ng panty, este, ng statement.
Ano’ng statement ito?
“Nag-usap na kaming dalawa ng kasama ko,” sey raw sa aming source, “Na ‘pag bumalik si Kuya, alis na kami. Siguro naman, hindi lang Wowowee ang puwedeng show na pasukan namin, ‘di ba? Nakapag-establish na naman kami ng pangalan kahit konti.”
Hulaan n’yo na kung sino ang dalawang co-hosts na ito na identified na identified talaga sa Wowowee.
Teka nga munit, ba’t naman aalis sila?
“Eh, siyempre, alam namin, galit siya sa amin. Saka nakapagdayalog kami noon tungkol sa pagiging gentleman ni Robin, ‘di ba? I’m sure, hindi niya gusto ‘yon!”
Juice ko, hindi na kami magbibigay pa ng clue. Basta ang mga pangalan nila ay nagsisimula sa capital letter.
HONESTLY, SA TOTOO lang, nakahinang naman nang talaga sa ulo ni Willie Revillame ang Wowowee. Oo, totoong mas malayong ‘di hamak ang karisma ni Willie kesa kay Luis Manzano.
Pero siyempre, sa negosyo namang ito, ‘pag ikaw mismo ang sumagpang sa kamay ng nagpapala sa ‘yo, wala rin namang choice ang negosyante kundi humanap nang hahalili bilang host ng Wowowee.
Pero sabi nga, wala namang gusot na hindi napaplantsa, eh. Kung sa palagay ng ABS-CBN ay panahon nang bigyan ng another chance si Willie, it’s their choice.
And I’m sure, ‘pag naibigay uli kay Willie ‘yan, I hope and I pray na hindi na ito sasayangin ni Willie. Juice ko, ang daming gustong sumagpang sa trabaho niya.
Kaya next time, no more init ng ulo on air. Kung puwede, off the air na lang para hindi sight ng mga utaw on national TV.
KAMI NGA, HINDI aalis ng Channel 2 hangga’t hindi pa sila nagsasawa sa amin, eh. Kasi, ang katuwiran namin, dito kami nagsimula, nakilala, nagkaroon ng konting name hanggang sa sumikat (sa paningin lang naman ng immediate family and relatives, ha-ha-ha!).
Kasi, kung aalis kami para sagpangin ang offer ng ibang istasyon, eh, baka bigla naming ma-miss ang ABS-CBN at ayaw naman naming idayalog sa aming sarili na, “Gaga ka, eh. Hindi ka makapaghintay, hindi ka naman pinapaalis, umalis ka!”
At nagbunga ang aming paghihintay. Kasama na kami sa Momay, yehey!
Ganyan kami kababaw, he-he-he!
Oh My G!
by Ogie Diaz