ISANG BETERANO NG digmaan? Ah.. hindi, ah! Veteran ng komedya? Ah… hindi, sirit na? Sinoooh… Maestro? Eh ‘di si Willy. Ano, si Willy? ‘Di ba kailan lang may controversy siya about Pres. Cory? ‘Di rin ‘yun, kundi si Willie Nepomuceno, ang sikat na impersonator na kilalang “Man of a Thousand Faces.” Ah, pasadahan na nga natin.
Sabi mo binata ka pa? “Ah, kasi wala eh, lumabas lang, eh. Ah, nandito ako para samahan iyong anak ko na mag-perform.”
Ah, like father like daughter. Sa lahat ng ini-impersonate mo sino ang paborito mo? “Kung sino ang sinabing gayahin, ‘yun ang gagawin ko.”
Kasama ka roon sa Sic O’ Clock News, ikaw ‘di ba si Mr. Chooli? “Ah, hindi ako ‘yun!” Wow mali ako, ha-ha-ha!
Ano, nag-i-impersonate ka pa o nagsasawa ka na? “Nanghihinayang na ako, kasi parang hindi na tinatablan iyong mga subjects ngayon unlike before aware sila sa mga pintas ng tao sa kanila. Pero tuloy pa rin ako sa mga corporate show abroad.”
Ah, Ilang edad na ba kayo? “Ginagawa mo ba akong passport?” Ah, patay tayo dito… he-he! ‘Pag nagkamali ako ng tanong, kailangan medyo marunong kang magtimpla, parang kape ba, dapat alamin mo kung matabang or matamis, kaya naman may gatas ang kape, ha-ha! Ituloy nating magtanong.
Ilan ang asawa ninyo? Tingnan ko kung kakagat, he-he! Este, ilan ang anak ninyo? “Ano ‘yan NBI, tanungin mo siya, tanungin mo siya.” Ayan nadale na ako ng 2-counts, patay tayo rito, ah. ‘Wag susuko, manoy.
Tanong muli, gaano ka kaseryoso? “Seryoso talaga ako everytime tungkol sa buhay.”
Kailan ka nagsimulang matuto ng panggagaya? “Ako kasi as young as 10, you copy the sounds, you use musical instruments, tapos iyong boses. Ang challenge, iyong sa mukha kaya I watch video clips. Being an impressionist, I perfect the craft kasi I do not do prosthetics.” Ayos hindi na patiwarik ang sagot.
Paano ka nagsimula sa showbiz? “Ah ako, medyo mahirap. Kasi ang uso noon eh, puro guwapo, dapat noon meron na akong tuloy na sariling show sa ABS-CBN, nag-Martial Law naman. Pagkatapos noon, I returned back, nagkaroon ako ng daily show, pero hindi nagtagal dahil maglilipat kami ng channel, ayun may People’s Power, kaya, malas talaga. Eh, babae pa iyong naging Pangulo, hindi ko naman magaya. Si FPJ sana, pero ayun namatay naman kaagad. Ako I never want showbiz, all I want is to be an actor. Being an impersonator, noon kasama ako sa iba’t ibang protests, minsan pa nga sinusundo ako ng mga general.” Ayon nakuha ko din ang confession… ehe, I mean timplado na ang kape.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.