Willie Revillame’s new ‘toy’ is a 32-seater jet plane!

SA ARAW NA ito, muling huhusgahan ang hatak ni Vice Ganda via his se-cond solo major concert at the Big Dome billed as Vice Ganda: Todong Sampol Sa Araneta.

Bagama’t ang nauna niyang pagtatanghal was undeniably a resounding success, Vice Ganda is neither complacent nor confident. Kailangan niya itong higitan, seeing to its “brandnewness” in every aspect of the show.

In alphabetical sequence, umaasa kami na matapos ang mapaminsalang Falcon, kung may paparating mang bagyo ay “Ganda” ang pangalan nito… a comedic typhoon that will bring the house down tonight!

THIRTY-TWO SEATER JET plane ang malamyos na hinihimas-himas ngayon ni Willie Revillame, the latest addition to his acquisitions.

To date, wala kaming maisip na ibang celebrity who can tra-vel by any means of transportation to whatever desired destination except for Willie. May mga sasakyan siya (by land), may yacht din (by sea) and now comes a jet plane (by air). So, what else is missing? Or to be more politically correct, what more can Willie ask for?

Ang pagngiti ng kapalaran kay Willie evokes a two-pronged “I” reaction: Inggit in the positive sense na may ibinubunga naman pala talaga ang pagsusumikap ng isang tao despite life’s adversities; at the same time, Inspirasyon na kahit sino ay puwedeng mangarap for greater things in life.

Materyal mang bagay ang tingin natin sa eroplano ni Willie, isang mahalagang mensahe ang nakapaloob du’n… ma-ngarap tayo ng mataas. From the ground we take off, up in the air we kiss the clouds of success.

ANG MULTI-AWARDED SONGWRITER na si Vehnee Saturno ang nasa likod ng debut album ng 14 year-old Japinoy singing upstart na si Nozomi Moriwaki, who can pass for a Charice Pempengco look-alike.

Sa launch ng kanyang album titled Before I Reach Sixteen, also its carrier single, hindi naiwasang ikumpara si Nozomi sa international singing sensation in terms of looks, age bracket, total packaging and timing ng pagsikat: “I don’t intend to replace Charice, she’s one of a kind.”

Hindi bihasa si Nozomi sa Pananagalog being enrolled at the International School, pero she acquits herself via one of the two Tagalog songs she made us listen to, ang Mali Pala na may mahihirap na head tones, ha? Looking on was an ecstatic Vehnee who’s all praises for the teenager dahil sa husay nito.

Eight tracks compose Nozomi’s album, kabilang dito ang Crush Kita, Love Kita; Not Another Sad Song; All I Wanna Do and You Were Right. Definitely, Nozomi is the next teen singer to watch out for, kaya kaibigang Eddie Littlefield, you might want to produce a concert for her!

ESPESYAL NA PANAUHIN nga-yong Biyernes sa Face To Face ang legendary hardcourt player na si Freddie Webb sa episode na aptly titled Trobol Sa Basketbol, Hindi Lang Dobol At Tripol Dahil Buong Liga Ang Nagrambol!

Having played professional basketball for 16 years, nagsilbing adviser si Webb sa mga koponan tungkol sa disiplina at sportstmanship sa paglalaro. Si April “Congrats” Gustilo ang makikisawsaw bilang muse sa barangay.

So, hindi lang pala pangtalakan ang programa ni Tyang Amy Perez… pang-sports pa!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePinilakang –Sabi
Next articleNagkakahawaan na ang mga taxi driver

No posts to display