IPINARATING NA SA amin ng isang kaibigan sa press na sumalubong kay Charice Pempengco sa NAIA na good mood ang international star at ang YouTube sensation.
“Nakakatuwa, dahil lahat ng press na nandu’n, in-entertain ni Charice at ng nanay niya. Lahat pa ng press, binigyan nila ng tig-iisang stuffed toy with matching chocolates.”
Pagkarinig namin sa good news na ‘yon, napangiti kami.
Magandang senyales ang gesture na ‘yon ng mag-inang Raquel at Charice sa press para mabura ang impression na “nang-isnab” ng kababayang press ang singing sensation.
Maganda rin daw ang mga naging kasagutan ng mag-ina sa pagtanggap nila ng aming public apology.
Gano’n nga lang siguro ang buhay. Maliit lang ang mundo. Pasasaan ba’t magkakausap din kami ni Charice at ng mommy niya. Na ang ending, magkakatawanan na lang kami, magyayakapan at bibigyan ng chance ang isang bonggang friendship.
SA YOUTUBE NA lang din namin napanood ang on cam na “pananalak” ni kaibigang Willie Revillame sa best friend nitong si John Estrada.
Kung hindi pa nagtampo at tumalak si Willie, hindi pa namin malalaman na may niluluto na palang bagong noontime show ang ABS-CBN na pagbibidahan nina John at Randy Santiago.
Pero ayon sa talak ni Willie on air sa Willing-Willie, kausap si John sa telepono, meron na pala itong inaayos na noontime show para sa mga kaibigan sa TV5.
Pero ang nakakalokah, inere ni Willie ang kanyang saloobin at nalaman din tuloy ng mga tao na hindi na siya magbe-Best Man sa kasal ni John sa Feb. 26 kay Priscilla Meirelles at magsolian na sila ng kandila.
Ano ang opinyon n’yo rito?
KUNG KILALA NAMIN si Willie, noon pa naman, ‘yun na siya, eh. ‘Pag may saloobin, kahit sa ere, pinakakawalan niya. Kasi, ganu’n siya ever since, eh. So, hindi na shocking.
Tinanggap din siya ng kanyang mga fans sa ganoon niyang attitude, pero sabi nga, we cannot please everybody. Me mga nakapanood na “naasiwa” sa kanyang naging gesture.
May mga nagsasabi pa na kung totoong best of friends ang dalawa, sana’y nag-usap na lang sila nang personal o kung sa telepono man, ‘wag na sanang ineere para hindi rin ma-on-the-spot ang kaibigan kung may gustong linawin.
At kung kilala namin ang magkaibi-gan na ‘yan, parehong malungkot ‘yan, dahil siyempre, super friends sila, ‘no!
Hindi bale, hindi pa huli ang lahat. Kulang lang sila sa pag-uusap.
ISANG SHOWBIZ ANALYST naman ang nakausap namin. Ang sabi nito, tama lang ang naging career move ni John na bumalik sa ABS-CBN at magkaroon ng sariling show just like Willie na may sariling show rin.
“Siyempre, ang hari ng TV5, si Willie, hindi naman si John. Saka at the end of the day, ikaw pa rin ang magde-decide kung saan ka magiging masaya, ‘di ba?
“Saka napaka-ungrateful ng business na ‘to. ‘Pag wala ka nang pakinabang, babu ka na. Pero kung may asim ka pa rin, gusto ka pa rin ng mga network.
“Saka dapat, hiwalay ang personal friendship sa business. As long as hindi sila magkatapat ng programa, I don’t think, may nasirang friendship.
“Unless, may previous talks na between Willie and John. Kaya naman itong si Willie, tinatrabaho ang noontime show sa Singko para kina Randy at John. At itong dalawa naman, lihim ding nakipag-meeting sa Dos.”
Oh My G!
by Ogie Diaz