AT LAST, NAGKAAYOS na sina Willie Revillame at Sharon Cuneta sa birthday party ni Aga Muhlach na kaibigang matalik ng singer/TV host. Mismong si WR ang lumapit sa Megastar para tuluyang magkabati na ang dating magkaibigan. Buong ningning namang niyakap ni Sharon si Willie bilang tugon sa pagkukumbaba ng controversial TV host, ayon sa malalapit na kaibigan ng dalawa.
Naging malaking issue ang pagbibiro noon ni Willie kay Sharon na minsan itong mag-guest sa kanyang noontime show sa ABS-CBN. Binigyang-kulay agad at inintriga ang dalawa kaya naapektuhan ang kanilang friendship. Never nagbitiw ng masamang salita si Willie laban sa Megastar. Palibhasa dating magkaibigan at may pinagsamahan kaya madali para sa kanilang mawala ang tampo sa isa’t isa. Kung tutuusin mababaw lang ang naging ugat ng hindi nila pagkakaunawaan.
Hindi malilimutan ni Willie ang suportang ibinigay sa kanya ni Sharon noong time na nawalan siya ng trabaho. Nakatatak sa isipan niya ang pangyaya-ring ‘yun. Tinatanaw niyang malaking utang na loob sa aktres ang importansiya at pagmamalasakit ng isang kaibigan. Binibigyang-halaga ni Willie ang mga taong taos-pusong nagmamahal sa kanya sa mga panahong kailangan niya ng suporta at pang-unawa.
Ang magandang pag-uugali ni Willie, tumatanggap siya ng pagkakamali at nagpapakumbaba sa taong nasaktan niya. Hindi nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa kahit nakagawa na ito nang kasalanan sa kanya. Ang tinitingnan niya, ‘yung magagandang bagay na inyong pinagsamahan.
Bilang tao, hindi maramot si Willie sa mga nangangailangan kaya nga naging idolo siya ng masang Pilipino. Sa pamamagitan ng kanyang noontime show noon at ngayon ang WilTime, Big Time sa TV5, binibigyang-halaga niya ang mahihirap. Bukas ang kanyang palad tumulong at ibahagi ang blessing na natatanggap niya mula sa Panginoon. Kaya nga itinatag ang Will Foundation (50 million pondo) para tumulong sa mga matatandang may sakit, walang pambayad sa hospital, etc.
Mapagmahal din si Willie sa kanyang mga kasamahan sa trabaho sa WTBT. Kailan lang, nabiyayaan ang buong staff, dan-cers, crew, cameramen, audiomen at utility. Nag-donate din ng P100,000 ang TV host sa fund-raising campaign ng mga pari para makabili ng mga sasakyan. Ikinatuwa nang labis ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang ginawang ito ni WR sa tulong ng dating Manila Mayor Lito Atienza.
Hindi rin nagpatalbog si Sen. Tito Sotto kay Willie, nag-donate din ito ng P200,000. Pati si Sen. Francis Escudero, nagbigay ng P100,00, Mikey Arroyo give ng P50,000.00 at sina Sen. Bong Revilla at Bacoor Rep. Lani Mercado, buong puso nagbigay ng P200,000 thousand pesos bilang suporta sa CBCP. Taos-pusong ipinaaabot nila ang pasasalamat sa lahat ng suportang financial na ibinigay sa kanila.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield