OLA CHIKKA! KAMAKAILAN lamang ay naglabasan na ang isyu tungkol dito sa pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee na pinalaki nitong si Cristy Fermin.
Maraming nagtatanong kung bakit si Cristy ang nagsasalita tungkol sa isyu ni Willie eh, hindi naman siya manager or lawyer. Malamang ay ginagawa ito ni Cristy dahil anak-anakan daw niya si Willie.
Ngunit para sa akin lang, ha? Bakit ka pa magbibigay ng impormasyon kung hindi lang din naman detalyado? Ano ‘yun tamang nanggugulo ka lang?
At isa pang hindi ko nagustuhan ay ang paglaki ng isyu sa pagitan ni Willie at ng dating co-host na si Pokwang na lumalabas at sinabihan ni Cristy na walang utang na loob.
Bakit kailangang ipagdiinan ang napipintong samaan ng loob sa dalawa samantalang wala namang kinalaman ang komedyante sa pagkawala ni Willie? Sadyang ginagawa lamang ni Pokwang ang kanyang trabaho upang mapaganda ang show at kung isasali n’yo pa ang isyung pangangampanya ni Pokwang kay P-noy noong nakaraang kampanya, walang problema ro’n. Nanindigan lamang si Pokwang sa kandidatong gusto niya at kung kawalan ng utang na loob ang
kanyang ginawa eh, ‘di wala nang tao ang gustong manindigan sa kanilang pinaniniwalaan.
Mukhang pinalalala ni Cristy ang tensiyon sa pagitan nina Willie at Pokwang, ha? Hmmm… sa tingin n’yo?
NALALAPIT NA RIN ang pagbabalik sa bansa ng first sister na si Kris Aquino mula sa Amerika na nagbasyon kasama ang dalawang anak nito. Kasabay ng kanyang pagbalik ay ang paglitaw ng chikkang siya na ang papalit bilang host sa Wowowee sa darating na August.
Kung magkakatotoo man ang balitang ito, malamang na hindi na tuluyang makabalik si Willie sa kanyang dating programa at malamang ay maaaring totoo ang chismis na isang executive daw ng Dos ang humarang sa pagbabalik ni Willie sa Wowowee.
Kung ako sa kanila ay tsugihin na nila ang show at ma-focus sa susunod na ipapalit upang hindi nasasayang ang oras at effort ng mga tao sa paggawa ng mga haka-haka at kanya-kanyang ispekulasyon.
NAIS KO NGA pa lang batiin ang butihing Mayor ng San Mateo Rizal na si Mayor Rafael Diaz kung saan ay abalang-abala sa kanyang mga proyekto na ilan lamang dito ay ang National Nutrition Month, National Disaster and Consciousness Month at 32nd National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Tuwang-tuwa rin ako at nagpapasalamat sa may mga butihing puso na nag-donate ng mga kagamitan para sa eskuwelahan doon upang makapag-aral nang mabuti ang kanilang mga estudyante. Dahil d’yan Mayor, saludo kami sa ‘yo!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong young actor na mahilig magpa-spa ngunit may kakaibang service pang nire-request?! Tama!
Malamang ay super stress itong young actor kaya madalas siya sa isang spa sa Timog ngunit maloloka kapag naka-chikkahan mo ang mga therapist doon. Dahil hindi lang daw massage ang dinarayo ng young actor du’n kundi pati hand job! O, say n’yo?!
Malamang ay naka-jackpot ang mga therapist du’n… ay teka! Hindi ko pala natanong kung bongga ang sandata ni young actor. Ha-ha!
Sino siya? Basta kilala siya sa pag-arte noong bata pa siya ngunit ngayon ay sa pagsayaw na! O, gets n’yo na? ‘Yun na!
At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding