MARTES SANTO, nag-text ang isang kakilala na taga-Siargao Island (Surigao) na ‘andodu’n daw sina Willie Revillame at Ruffa Gutierrez.
Sabi sa text message ng kakilala namin, dumating daw noong Lunes Santo.
Namataan niya ang dalawa sa magkaibang pagkakataon daw na ‘yun.
Ayon sa source namin, ‘andu’n si Willie para bumili ng Resort. Si Ruffa, hindi malinaw kung kasama ba siya ni Willie or doon lang sila nagkita sa Siargao.
Don’t tell me na it’s Willie and Ruffa na ngayon?
Hindi kaya? Hahaha…
SABADO DE Gloria, gusto kong manood sa first screening ng pelikula nina Miggy at Laida sa Gateway Mall sa Cubao.
Fan kasi ako ng tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Walang patid, sa pangatlong pagkakataon muli ako magiging bahagi ng romansa ng dalawa. After four long years kung kani-kanino na naipareha sina John Lloyd at Sarah, sa muli, magsasama sila. Sa trailer ng pelikula na napanood namin bago mag-Semana Santa, alam ko, may kiliti muli ang mga pa-tweetums nila.
Habang nasa Boracay at Puerto Galera pa ang nakararaming mga taga-Manila, humahangos ako sa paborito kong mall para makauna sana makapanood ng pelikula nila. ‘Yong almost 12:00 noon screening, hindi ko na naabutan at nagsisimula na. ‘Yong 3:30 pm sold-out na, halos ala-una y media pa lang, ang ibinibenta na ay ang screening ng 4:20 pm.
Akala ko, isa ako sa mauunang makapamili ng upuan sa malaking sinehan pero may mas nauna pa sa akin. Almost sold out na rin ang mga seat. Kapag nanonood kasi ako ng sine, gusto ko walang katabi kaya kadalasan sa bandang aisle ang kinukuha kong upuan. Lalo pa’t reserve seating, wala akong choice kundi piliin na lang ‘yong pinakamalapit sa screen (na hindi maganda ang viewing at masakit sa mata).
As expected, it was a feel good movie. Sa mga nakaraang obra ni Direk Cathy Garcia-Molina, alam niya ang magpakiliti ng manonood at swak siya sa puntong ito. Sapul ni Direk ang panlasa ng masa lalo na ang followers nina Lloydy at Sarah.
Hindi ako film critic na may ilusyon na pansinin at katayin ang pelikula na para sa akin, kapag love story o romance, mapapangiti ako at mai-in love. Kung action naman ang tema, trip ko ‘yong walang humpay na stunts just like yong huling action movie na napanood ko na pelikula ni Bruce Willis.
Wagi sa panlasa ko bilang moviegoer at fan ang It Takes a Man and a Woman nina JLC at Sarah G. Napapangiti ako, napapa-emote na sa paglabas ko ng sinehan, parang type kong maging bahagi ng buhay pag-ibig nina Miggy at Laida.
Sa ending ng pelikula, mas kikiligin ka kung siento porsiento at solid Lloydy at Sarah G. fan ka.
KUNG WALANG bulilyaso, ngayong araw ang first day shooting ng horror movie na The Diplomat Hotel ng kaibigang Christopher Ad Castillo (anak ni Celso). Ang pelikula ay halaw sa mga paranormal experiences ng mga totoong tao tungkol sa haunted hotel sa Baguio City.
Ang obra ni Chris ay isasali sa Cinemalaya this year and guess kung sino ang bida? No less then Gretchen Barretto.
Pero balita namin,may intriga na nga na umiikot sa Cinemalaya na malamang sa hindi, baka ma-nominate si Gretchen sa kanyang role sa pelikula, the fact na ang live-in boyfriend niya na si Tonyboy Cojuangco ay isa sa mga big boss cum financier ng prestigious yearly film event.
MAY ISANG commercial model-talent na naisalang sa isang bit role sa sumemplang na teleserye ni Lorna Toelntino at Alice Dixson na Glamorosa sa Kapatid Network. Balita namin, hindi pa nababayaran ang naturang talent sa kapiranggot niyang talent fee na P5,000 after so many follow-ups.
Usually kapag one shot deal ang trabaho, pay after work ang usapan. But the person in charge na nagre-release ng TF ng kawawang talent was telling the model-talent na ipa-process ang TF niya dahil what they have on hand during the taping of the defunt teleserye ay mga talent fee na P1,000 and below lang.
A certain TV 5 staff named Maru ang kumuha sa sebisyo niya, which we find na after six months na kapa-follow-up ng kawawang talent sa TV 5, ang daming alibi ng TV Production sa kawawang talent.
Reyted K
By RK VillaCorta