Nakabalik na nitong Lunes sa Wowowee ang ika nga’y kapitan ng barko na si Willie Revillame makaraan ang halos dalawang buwan ding pagkawala in what seemed like a sea of oblivion.
Sa kanyang pagbabalik ay kasabay ‘yon ng maintrigang linya bilang sagot sa patuloy na itinatanong sa kanya: tatakbo nga ba siya sa pulitika? Bagama’t walang direktang tugon si Willie, ang kanyang matalinghagang sabi: “Kung ako’y tatakbo, hindi ako magnanakaw (sa kabang-yaman ng gobyerno), ako ang magbibigay.”
Minsan nang naiulat na sasabak ang TV host sa ilalim ng Nacionalista Party ni Senador Manny Villar, partikular sa senatorial slate nito, bagay na nu’ng Lunes ding iyon, sa programang Unang Hirit, ay mariing pinabulaanan ni Congressman Gilbert Remulla na tumatayong spokesperson ni Villar.
Pero ang totoo pala, ayon sa aking source, kinuha pala ni Villar si Willie bilang campaign manager nito. Sa katunayan, madadalas daw ang pagliliban ni Willie sa Wowowee in the coming months dahil sa pag-iikot nila ng sinusuportahang presidentiable sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa pagiging sanggang-dikit ngayon nina Villar at Willie, totoo rin bang sumosyo ang mambabatas sa gusaling ipinatatayo ng TV host na malapit sa ABS-CBN? In an effort to make amends man lang, bakit si Villar at hindi si Noynoy Aquino ang piniling suportahan ni Willie nang makabawi man lang siya sa atraso sa pamilya na nagresulta sa kanyang suspension?
Wish ko lang, pahiram, Vicky Morales, maging asset at hindi liability si Willie sa kandidatura ng manok niya, ‘no! Ayaw rin ng SALN (Statement of Assets and Liabilities and Net Worth) ni Willie ng ganyan, ‘no!
by Ronnie Carasco