THE GOINGS-ON at the ABS-CBN’s News & Current Affairs are alarming as they are suspicious.
Dalawang tulog na lang, heads will roll sa TV Patrol, and whose heads? Maugong na ang balitang Karen Davila and Julius Babao will be axed sa news program na ‘yon. Babalik sina Korina Sanchez at Noli de Castro bilang major change with the scheme of things sa naturang departamento.
Marami ang nagpapalagay na hindi lang ang pagkakatanggal kina Karen at Julius ay resulta ng pag-alis ni Maria Ressa, the reason has become even more obvious—dahil ang katapat na ngayon ng TV Patrol ay ang Willing Willie ni Willie Revillame sa TV5.
With reference to my column last Monday, one point difference lang ang inilamang ng TV Patrol sa WW (9.4% and 8.3%, respectively based on AGB ratings). Puwedeng sabihing malaking sampal ito sa news program ng Dos, that now sees the urgency to replace its news anchors like Karen and Julius na malalaking institusyon na rin sa mundo ng broadcast journalism.
Si Willie lang ba ang katapat ng TV Patrol, itself a credible news program? At bakit naman kailangang gumulong ang mga ulo nina Karen at Julius in the hope to salvage the program na kinakabog ni Willie?
Whatever, I will still stand by my assessment of Willie’s show. Nakuha na rin lang niya kasing i-resurrect ang kanyang programa via TV5 given his cult following—lumaban na siya nang pukpukan sa mga noontime programs ng GMA (Eat…Bulaga!) at ng ABS-CBN.
Willie’s show sa time slot na nakasanayan nang “news hour” may be deemed as redefining TV programming, pero mas magiging competitive kung tinatapatan na nito ang oras na nilayasan niya, na nagbura ng Wowowee.
HINDI PA UNDAS nitong mga nakaraang araw ay nakatanggap na ang showbiz press ng maagang imbitasyon sa Christmas party ng ABS-CBN para sa mga manunulat sa December 3, araw ng Biyernes.
Hindi lang ito panawagan sa press na tinatanawan ng malaking utang na loob ng naturang istasyon, kundi reminder din ito sa dalawa pang network—ang GMA at ang TV5—na huwag na itong sumabay pa sa naturang petsa. Usung-uso kasi ang two-in-a-day events o tuhog na presscon na ipinatatawag ng mga network, kung saan lumalagare ang mga naiimbitahang reporter.
Events like this during Christmas time promote the network’s corporate image. Mas bongga nga naman, mas matinding publicity mileage ang naisusulat. Kung meron mang magandang idinudulot nito, not only in terms of ratings has the level of competition among the networks reached, maging sa pakabugan din sa Christmas parties to the delight of the press ang labanan.
NGAYONG ARAW, NOVEMBER 3, (kung hindi ako nagkakamali) ang 57th birthday ni Governor Vilma Santos-Recto. A self-confessed Vilmanian, naging tagahanga rin ako ni Ate Vi sa kanyang pagiging isang public servant. Binago niya ang political landscape ng Batangas sa pagpapamalas ng magagandang gawain sa lalo pa nitong ikauunlad. Happy birthday, Ate Vi!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III