Willie Revillame, ginawang dancer ang isang contestant sa “Wowowin”

Willie Revillame, ginawang dancer ang isang contestant sa "Wowowin"Daig ng programang Wowowin ang alinmang panoorin sa TV na nagsasadula ng mga tunay na kuwento ng buhay. Sa mga lumalahok kasi roon—lalung-lalo na ng mga umaabot sa jackpot round—theirs are tales of trials and triumphs, of dreads and dreams.

Sa nakaraang episode ng Wowowin nitong Biyernes, muntik na namang may mag-uwi ng twin mega jackpot prize na isang milyong piso in cheque at house and lot. Laman ‘yon ng dilaw na kahon labeled as kampupot na pinili ni Carol, isang magandang babae, pero ipinagpalit niya sa tawad ng sitenta mil ni Willie Revillame.

Helping the girl decide was her mother.  Sabi ni Carol, “Kuya Wil, pumunta kami rito nang walang-wala kaya pera na lang.” Pero dahil halatang gusto na ni Kuya Wil na meron nang makapag-uwi ng jackpot—sa kauna-unahan na sanang pagkakataon ‘yon—he upped the bet from P70,000 to P100,000.

Bukod ‘yon sa nauna nang beinte mil na napanalunan nito.

As usual, pandemonium broke loose inside the studio. Mas marami kasi sa audience ang sumesenyas at sumisigaw ng, “Kahon!” But Carol would stick to her choice: pera.

Kuya Wil reached for the box lid, dahan-dahan niya itong inikot sa kanyang gawing kaliwa. Obviously, it was his tactical way para maengganyong piliin ng contestant ang kahon over money. At nang buksan ang kahon, true enough, it contained the mega jackpot prize.

May mga nanlumo sa audience, may nagpapapadyak sa panghihinayang. Pero hindi ‘yon ang tagpo that caught the world’s attention.

Carol—clad in white shorts and blue blouse—ay nag-a-apply pala bilang isa sa mga dancer ng Wowowin.  At manalo-matalo, all she wanted was to become a dancer to support her studies sa darating na pasukan.

In tears, napakayap ito kay Kuya Wil na dinagdagan pa ng treinta mil ang maiuuwi nitong pera pero, “Kuya Wil, kahit wala na pong dagdag, maging dancer lang po ako rito.” Tears welled in Kuya Wil’s eyes, “Sige, punta ka rito sa Thursday, may dance rehearsal. Magsimula ka na sa araw na ‘yon,” sabay tinawag ang iba pang mga mananayaw as they warmly welcomed their newest co-member.

Before we knew it, nakikiiyak na rin kami sa tuwa para sa kalahok na ‘yon, who will be dancing her way to fame and fortune.

THE SEARCH continues sa mga nais pa ring mapabilang sa mga tinaguriang star hopefuls sa Born To Be a Star.

Gaganapin kasi ang last leg of auditions sa darating na March 26 at 27 (Saturday and Sunday) sa SM San Fernando, Pampanga. While mabigat ang ibinibigay na puntos sa musicality ng isang auditionee, let’s not forget—faithful to its program title—na ang hinahanap ng nasabing reality singing competition ay total packaging nito.

As hosts Ogie Alcasid, Yassi Pressman and Mark Bautista alternately stress in their closing spiels, “Some stars are discovered…some stars are developed…but we’re looking for someone who’s truly born to be a star!”

Isang cabalen na kaya ang suuunod sa mga yapak ni Sarah Geronimo, et al?

JUNIOR-SENIOR PROM night nina Yumi at Ethan. Asang-asa si Ethan na siya ang escort ni Yumi pero nang sunduin na niya ito, shocked siya dahil si Nathan na ang kapareha ng kanyang labs.

Siyempre nakialam na naman si Mama A at nakisawsaw rin sa prom night ng mga bagets. Um-attend din siya kasama sina Bobong at Lance.

Jingo couldn’t help but reminisce noong napilitan siyang mag-escort kay Lullabye, isang ‘di kagandahang classmate noong high school. Nagawi ang babae sa restaurant at muli silang nagkita ni Jingo.

Pero naiwan ni Lullabye ang kanyang duffle bag, na bagama’t naibalik ay may isang bagay roon ang nawawala. Sa galit, ipapupulis pa niya si Majay.

Samantala, kailangang ma-bad trip si Nathan para maagaw muli ni Ethan si Yumi. Pero hindi nila malaman kung ano ito?

Magkakaroon pa ng dance showdown sina Ethan at Nathan. Sino kaya ang manalo sa kanila? Tuluy-tuloy ang “Clash of the Thanthans”.

Gulo sa prom night. Gulo pa rin ang hatid ni Lullabye, kaya expect na magulo pero masayang episode ang mapanood sa Ismol Family this Easter Sunday sa GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleProblema sa graduation
Next articleBirthday message ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde: “Stay humble, pero ‘wag kang magpapaapi”

No posts to display