KAHIT PANSAMANTALANG namahinga muna ngayon si Willie Revillame sa telebisyon, busy naman siya sa kanyang newly-open na Will Tower near ABS-CBN. Personalize ang pagma-manage niya nito kahit siya ang may-ari.
Nang makausap nga naman ang singer/comedian sa album launching ng “Christmas Wish, Willie Revillame”, Sinabi niya na mas relax siya ngayon sa bago niyang negosyo dahil walang pressure. Walang MTRCB na nakatutok sa bawat sasabihin on TV. Walang masasaktan o baka magkamali siya. Katuwiran ni Willie, “Nag-i-entertain ka lang naman. Gusto mong magpasaya ng mga tao.”
Nalaman din namin kay Willie na gusto nitong ipa-rent ang kanyang yatch tulad ng kanyang private plane na nirentahan ni Justin Bieber nang pumunta ang international singer sa Tacloban para magbigay ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong si Yolanda.
Pinabulaanan naman ni Willie ‘yung issue na gusto raw nitong bumili ng barko this year. Natatawa nga ang controversial singer-comedian nang malaman niya ito. “Napakamahal ng barko, it’s almost a billion pesos. Mag-i-invest ako more on properties. Magtatayo ako ng sarili kong condominium, ‘yung parang ganu’n. Baka itong kabila (katabi ng Wil Tower), tatayuan ko ito ng another mall at ‘yung itaas, mga residences.”
Maintriga naming tinanong si Willie kung may plano siyang magtayo ng sarili niyang network? Diretso naman niya kaming sinagot, “Masyadong mabigat ‘yun… Siguro mag-start muna ako ng sarili kong show na puwede sa cable, parang ganu’n. Lahat nang ito’y pinaplano, once na maumpisahan, gusto ko maging maayos. “
Sa dami ng mga property ni Willie na naipundar, ‘yung nasa Tagaytay ang buong ningning niya ipinagmamalaki dahil sa kakaiba raw nitong tanawin. “Pumupunta ako du’n kapag hindi busy. Sobrang ganda ng lugar kapag nakita ninyo.Wala kang makikitang ganu’ng lugar sa Pilipinas. On the top of the hills, kitang-kita mo ang Taal Volcano, ‘yung bibig ng Taal Volcano. Sobrang ganda at talagang ang lamig, five hectare ‘yun.”
Kahit walang special someone ngayon si Willie, happy ito sa takbo ng kanyang mga negosyo. “Wala pa, darating din ‘yun,” matipid nitong sabi.
Kung sakaling may network na mag-offer sa kanya, may kondisyon kaya siyang hihilingin? “Wala namang kondisyon. Wowowee pa rin ang gusto kong show. ‘Yung nalalaman ng mga tao ‘yung buhay ng mga kababayan natin.”
Kung anuman ang namagitang hindi maganda noon kina Willie at ABS-CBN, kinakimutan na ito ng singer/comedian.
Inamin niya, walang offer ang Kapamilya Network sa kanya. “Gusto ko mang bumalik sa ABS kung hindi ka naman gusto, ‘di ba? Wala kang magagawa. Okay naman. Wala namang naging problema. Kaya lang, ‘yung legal aspect sa contract. Du’n nagkaproblema, sa contract. Nasa court pa rin, on going pa rin kaya medyo sensitive,” paliwanag niya.
Palaisipan pa rin kung bakit nawala sa ere ang TV show ni Willie sa Singko? “Well wala namang problema, depende ‘yun sa pag-uusapan. Ano ‘yung magiging role ko, gusto kong bumabilk. Gusto kong makatulong sa istasyon. Not just the program. I want to put up something, creative group na magtatayo. Baka ito ‘yung magugustuhan ng tao. Gusto ko maging malawak na, mabigyan ng chance ‘yung mga creative people, ‘yung mga writer, parang ganu’n,” pahayag ng controversial host/singer.
Bakit nga ba hindi noontime show na lang ang gawin ni Willie? “Ang noontime show is very expensive, everyday kang gumagastos. Mabigat ang noontime show. Hindi gawang biro ‘yun. One day, siguro one million. Iba ‘yung pressure ng TV show.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield