SIPAT: Nagpa-FACELIFT. PINATANGGAL ang EYEBAGS. Nagpa-NECK LIFT. At nagpa-DERMA. Naks, HINDI mo na AAKALAING 56 years OLD na si NORA AUNOR!
EKLAT: WALANG HIMALA! SALAMAT sa SIYENSIYA!
SIPAT: PINAGHAHANDAAN talaga ni ATE GUY ang PAGBABALIK-SHOWIZ niya.
EKLAT: Sa YOUNGER LOOK ng SUPERSTAR, baka MAOPERAN siya ng TEENY-BOPPER ROLE!
SIPAT: Ang HINDI lang daw IPINAGAWA ni NORA, e ang BOOBS niya.
EKLAT: HINDI na nga naman USO ang SEXY MOVIES!
SIPAT: Kaya kung may ‘DENGUE’ sina MELAI at JASON…
EKLAT: BUHAYIN na rin si MARIA LEONORA TERESA!
SIPAT: Ay, HINDI maka-RELATE ang YOUNGER GENERATION…
EKLAT: I-WIKIPEDIA n’yo na lang!
SIPAT: HINDI na pala MAPAPANOOD sina LUNINGNING, MARIPOSA at MILAGRING sa WOWOWEE, ‘no?
EKLAT: NALUNGKOT tuloy ang mga BARAKO!
SIPAT: NILAYASAN daw ng TATLO ang ASF DANCERS dahil daw sa LAKI ng KOMISYON ng MANAGER nila na si ANNA FELICIANO.
EKLAT: MALINAW ‘yan, ha? WALANG KINALAMAN si WILLIE REVILLAME.
SIPAT: MAKAAPEKTO naman kaya sa RATING ng WOWOWEE ang PAGLAYAS ng TATLO?
EKLAT: HINDI. AYAW ni PAPI ng OVER-EXPOSURE ng IBANG TALENTS sa SHOW, remember?
SIPAT: LILIPAT na rin si JC DE VERA sa TV5…
EKLAT: Sana… SUMIKAT na talaga siya.
SIPAT: NAGPARUNGGIT pa si OGIE ALCASID sa ASAP XV sa isang SONG NUMBER sa FINALE ng SOP FULLY-CHARGED.
EKLAT: Tsk… TALUNAN na nga… PIKON pa!
SIPAT: NILILIGAWAN na ni MARK HERRAS si YNNA ASISTIO.
EKLAT: A) KAKILIG naman!; B) KAINIS naman!; C) BAGONG ISYU naman!; D) NONE of the ABOVE
SIPAT: Blind Item: ‘MATSUTSUGI na rin ang SHOW na ‘yan, MALAPIT na! ’WAG na kayong MAGULAT ‘pag NABALITANG LUMIPAT na sa 7 MINUS 2 STATION ang isa sa HOSTS nila,’ sitsit ng isang TIRIRIT.
EKLAT: Clue: At least, BAGO na LAHAT ang MAPAPANOOD every SUNDAY!
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service