OPISYAL NA: Hindi tatakbo ang Wowowin host na si Willie Revillame sa Halalan ngayong 2022.
Tinutukan ng mga loyal fans ni Kuya Wil (tawag ng mga tagahanga kay Willie Revillame) ang episode ng Wowowin ngayong Huwebes ng hapon, October 7. Nagtrending pa nga ito sa social media.
Marami kasi ang nag-assume na baka tatakbo in a political position ang Kuya Wil ng Bayan. Naging transparent naman ito na talagang pinag-isipan niya ang possible life-changing shift of career na ito.
“For more than seven months pinag-aralan ko ‘to, pinag-isipan ko ‘to, ipinagdasal ko. So, dumating na po ‘yung point that I have to decide.”
Back in March 2021 ay inalok siya ni Pangulong Duterte na tumakbo bilang Senador. Ngayong araw ay matatahimik na ang mga taong curious kung kakagat ba siya rito o hindi.
“Sa araw pong ito ito, tuloy-tuloy pa rin po ang Wowowin, hindi ko po kailangan kumandidato, hindi ko po kailangan manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo.”
“Dahil sa puso ko, sa isip ko, dapat laging ang mga Pilipino– kayo ang panalo!”
Binigyan-diin din ni Kuya Will ang ginagawa ng Wowowin para makatulong sa bawat Kapuso.
“Ang programang ito na ‘Wowowin’ ay ginawa para po sa inyo. Hindi po ito programa para lang mag-rate, hindi ito programa para kami kumita. Ito pong programa na ‘to ang magbibigay po ng saya, tulong, at pag-asa.”
Hindi rin kinalimutan ni Kuya Wil na pasalamatan ang mga GMA-7 bosses na suportado siya kung anuman ang kanyang magiging desisyon.
Ako po si Wilfredo Revillame, nanunumpa sa inyo dito lang ako sa ‘Wowowin’ para magsilbi sa inyo. Tuloy-tuloy lang po ang ‘Wowowin,’ GMA management: Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Gilberto R. Duavit, Mr. Felipe S. Yalong, Mr. Joey Abacan, Ms. Anette Gozon, sa lahat po ng nakasama ko dito sa GMA, tinaggap n’yo ako bukas sa inyong kalooban, sobrang at home na at home ako dito.
Aniya pa, “wala ako naging problema for almost seven years, dahil nararamdaman ko ang pagmamahal n’yo sa akin.”
“Ganun din naman ako sa bawat kasama ko dito sa Kapuso channel, maraming salamat. Tandaan n’yo po kayo ang number one sa amin dito sa GMA-7. Kayo ang bida sa programang ito at sa GMA.”
“Kaya ang Wowowin tuloy pa rin!”
Majority ay natuwa sa mga sinabi ni Willie Revillame. Totoo nga naman – hindi niya kailangang pumasok sa magulo at madugong mundo ng politika para makatulong sa kanyang kapwa. Bigyan ng jacket si Kuya Wil!!!