NAGPAALAM MUNA si Willie Revillame kay Joey de Leon bilang respeto sa TV host/comedian. Tinawagan niya si Joey para ipaalam na magiging noontime show na ang kanyang daily programa sa TV 5.
“Nagpaalam ako kay Joey. Hiningi ko kay Tita Lolit ang number niya. Sabi ni Joey, “Wala na sa akin ‘yun. Matatanda na tayo. Malay mo, magkasama tayo sa isang show balang araw.
“Hindi ko pa nakakausap si Vic Sotto. Si Vic, tahimik lang ‘yun. Malaki ang respeto ko sa kanila. Iisa lang naman ang purpose namin, ang makapagpasaya at makatulong sa mga tao.
“Hindi na ako nakikipag-compete sa ibang mga TV station. Pangkabuhayan ang iniisip na namin na maibibigay sa mga tao,” pahayag ni Willie.
Sabi pa ni Willie, hindi na raw siya nagdalawang-isip na sundin ang kagustuhan ng TV management na ilipat sa noontime slot ang kanyang programa.
“Ang laki ng tulong sa amin ng TV 5, ni MVP , ni Atty. Ray Espinosa. Ang laki ng tulong nila sa amin. Hindi ako iniwan ni MVP. Hindi ko malilimutan ang sinabi niya sa akin noon na Willie, your pain is our pain. Your fight is our fight.”
Sa Sabado na ang live telecast ng show ni Willie sa TV 5, na siyang kaarawan nito. Pagmamalaki pa ni Willie na kaabang-abang ang pilot telecast ng kanyang noontime show.Three hundred dancers ang kasali sa opening number at nagdagdag pa sila ng segment.
HININGAN NAMIN ng reaction si Edu Manzano, co-host ni Joey de Leon sa Game and Go na nawala na sa Delta studio dahil ginamit na ito ni Willie Revillame para sa kanyang WowoWillie.
Sa ngayon kasi ay sa iba’t ibang lugar ng ‘Pinas ginagawa ang game show tulad last Tuesday, nasa Caloocan ang buong cast at doon ay masayang-masaya ang mga tao dahil nakita nila in person ang kanilang iniidolo.
“Maganda rin ang paminsan-minsan ay sa labas ng studio ninyo ginagawa ang show. At least napapasaya mo ang mga tao na hindi na kailangang magpunta ng studio dahil kami na mismo ang magsasadya sa kanila,” say ni Edu.
Ang disadvantage lang daw kapag sa labas ng studio ginawa ang show ay hindi mo masasawata ang mga tao at kapag umulan ay abala. Not like sa studio ay maayos ang lahat at ‘di nangangamba kahit umulan. Maganda lang daw ay nakakasalamuha mo ang tao na hindi nakapupunta ng studio.
Ask ko si Edu kung anong masasabi niya kay Willie sa pagpapaalis sa kanila sa Delta Studio?
“Idedemanda ko ang TV 5 at si Willie, hahaha! No, seryoso, okey lang sa akin. Kung kailangan at makabubuti sa show ni Willie ang Delta Studio, dapat lang naming suportahan. Kasi ang ikagaganda ng alinmang show ng TV 5 ay para rin sa amin lahat na may show rito,” say pa ni Edu.
Samantalang itinanggi ni Edu na may sinabi siyang kasal na ang anak na si Luis Manzano at Jennylyn Mercado.
“Wala akong sinabi na kasal na sina Luis at Jennylyn. May sariling pag-iisip na ang anak ko. Alam ko na hindi siya gagawa ng isang bagay na hindi niya kayang panindingan,” ani Edu.
Very proud nga si Edu kay Luis dahil magmula nang pakawalan na nila ni Gov Vi ang kanilang anak ay maganda ang bawat ginagawa.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo