BONGGA KUNG walang aberya ang pagbabaik-telebisyon ni Willie Revillame na nalalapit na. Yes, tuloy na tuloy na nga ang game show ni Willie sa GMA 7 Kapuso Network, kung saan ang Wowowin ay mapapanood na pagkatapos ng Sunday All Stars.
Kung sinasabi na purdoy na ang comedian-host dahil sa pagka-casino nito ay pinatutunayan niya na hindi siya mahirap at naghihirap, dahil can afford pa rin siya na i-produce ang kanyang Sunday game show at the cost of P2 million per week as a blocktimer producer (hindi pa kasama ang salary ng mga staffs at cost of production at airtime pa lang ‘yan).
Last year kasi napabalita na dahil sa bisyo niyang pagsusugal, isa-isa na nitong naibebenta ang mga yaman niya tulad ng Wil Tower at Wil’s Events place at the worth of P650 million. Depensa ng isang business associate ng host-comedian, how can he be poor, ang dami pa rin niyang mga properties? He is worth P2 billion. Mabuti na lang ay nakinig si Willie sa payo ng isang tunay niyang kaibigan na ihinto na ang pagsusugal habang solid pa ang kayamanan niya.
Sa mga hindi nakaaalam, may property si Willie sa Tagaytay worth P350-M, ang bahay ni Gabby Lopez (of ABS-CBN) na worth P400-M, a Bencab mural na nagkakahalag ng P40-M, tatlong Fernando Zobel painting na P20-M, isang vinatage art piece mula sa National Artist na si Arturo Luz worth P7-M at ilang mga sculpures mula sa mga pamosong mga artisans; isang bagong Rolls Royce Wraith na nagkakahalaga ng P12-M, at mga mamahaling kotse bukod pa sa private plane at yate. Sa katunayan, kapag natapos na ‘yong ipinatatayong hotel sa Tagaytay ni Willie, plano rin niyang bumili ng helicopter para magamit ng mga VIP guests niya.
Dahil sa magarbo at pawaldas na klase ng pamumuhay ni Willie, dapat nga lang marahil na magbalik-telebisyon siya at muling magtrabaho lalo pa’t napaka-expensive ng kanyang lifestyle. Sa pagbabalik niya sa telebisyon sa timeslot na 3:30-5:00 pm, partly ay makukuha niya ang captured audience ng The Buzz na number one pa rin sa timeslot.
Reyted K
By RK VillaCorta