OLA CHIKKA! HINDI nagustuhan ng nakararami ang pagdagsa ng mga fans ng host na si Willie Revillame sa Makati Regional Trial Court habang dinaraos ang hearing sa pagitan ng kampo niya at ng TV5 laban sa ABS-CBN. Ang kasong copyright infrigement ang isinampa ng Dos dahil sa panggagaya ng Willing Willie ng Singko sa Wowowee ng Dos.
Tunay ngang si Willie ang dahilan kung bakit nakilala ang Wowowee at naging top-rating noontime show, ngunit hindi niya pa rin maaaring isumbat ang mga iyon dahil ano man ang mangyari ay talent siya ng Dos nang mga panahong iyon at trabaho niyang talaga ang pagandahin ang programa. Dahil kapag nawala ang show, mawawalan din siya ng trabaho. Simple lang, ‘di ba?
Kaya what is the big deal against ABS-CBN kung idemanda siya sa pagnanakaw ng format ng show eh, pag-aari naman iyon ng management at binabayaran siya para roon. Anong ikinakagalit ng mga tao gayung si Willie ay nagsampa rin naman ng demanda laban sa dos sa paggamit sa kanya upang magpayaman ang network na obviously, ginawa lamang niya upang makawala sa istasyon.
Hindi rin nila dapat kuwestyunin kung sino ang nais idemanda ng ABS-CBN, tulad na lamang ng pagkakasangkot sa isyu ng Eat Bulaga at Diz Iz It. Ang Eat Bulaga ay pag-aari ng Tape Production, kaya humiwalay man sa Siyete ang Eat Bulaga, walang karapatang habulin o idemanda ang Tape Production. Samantalang ano bang karapatan nating kuwestyunin ang ABS-CBN kung hindi sila nagsampa ng kaso laban sa Diz Iz It, gayong halos kaparehas lamang din ng format at maging timeslot ay itinapat din sa Showtime. Bakit original ba ng Dos ang format ng Showtime gayong nauna naman ang Talentadong Pinoy sa mga ganu’ng programa.
Hindi na natin kailangang magbulag-bulagan na para bang hindi natin alam ang nangyayari. Obviously, dinidiin ng Dos si Willie at wala na tayong magagawa dahil may karapatan naman sila upang gawin iyon. Kaya’t hindi tama na maging ang taong bayan ay idinadamay niya sa problemang kinakaharap niya. Dahil una sa lahat, wala naman silang kinalaman sa mga desisyon at mga bagay na ginagawa ni Willie.
Naniniwala ba kayong ginagawa niya iyon upang magkawang-gawa?! Ayon sa aking parazzi girl, halos lahat ng kaibigan niya ay sinasabing ginagamit lamang ni Willie ang mga tao para makuha ang simpatiya ng nakararami at isa siya sa mga saksi nu’n. Nasaksihan daw niya diumano kung paano alukin ang mga mahihirap upang manood sa kanyang show sa Singko kapalit ng P300.00. Kung sa bagay, na-entertain ka na, nagkapera ka pa! Talagang nakaka-willie!
Noong gabi bago pa man ang unang hearing para sa kasong iyon, hindi ba’t nagpamigay si Willie ng jackpot prize na cash, house at kotse?! Hindi mo masasabing nagkataon lamang ang suwerte ng contestant dahil na kay Willie pa rin iyon kung papa’no niya mapapabago ang isip ng bawat manlalaro, hindi ba? Maaaring suwerte nga or sinadya, sa tingin n’yo? At hindi na naman kailangan pa ng mga ganoong intiga, hindi ba? Bakit ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga tao ang programa ni Willie? Kung wala bang mga premyo, sa tingin n’yo panonoorin pa ang Willing Willie kesa sa TV Patrol na mas maraming impormasyon ang makikita mo kesa sa puro sayawan at kantahan lamang?
Kung tunay ngang nais talaga ni Willie na makatulong sa ibang tao, hindi na niya kailangan pa ng programa upang gawin iyon? Kailangan bang i-broadcast kapag tumutulong sa ibang tao? Para ano? Para magpasikat? Gumawa ng pangalan? Ano ang dahilan? Hmmm…
Mukhang nabitin kayo sa chikka at nais pa ng pitik-bulag?! Kung ganu’n ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding