MARAMI ANG NAGULAT nang mabanggit ni Willie Revillame recently na may plano siyang mag-leave sa kanyang programang Wil Time Bigtime ngayong first week of December. At ipinagpauna na niyang huwag raw mabibigla ang mga tagasubaybay ng nasabing show kapag nangyaring pansamantala muna siyang hindi mapapanood.
“Matagal na ako sa industriyang ito,” ng paghu-host sa telebisyon ang nais niyang sabihin. “Ipapahinga ko muna ang boses ko. May sugat kasi ang lalamunan ko.”
Ito raw ang rekomedasyon ng doktor niya sa kanya. At wala raw siyang magagawa kung talagang kinakailangan ngang magpahinga muna siya.
“Para rin ma-enjoy ko naman ang buhay ko. Wala akong anak na kasama. Walang pamilya.
“Hanggang 2013 ang kontrata ko dito sa TV 5. At kapag 2013… it’s about time na rin siguro, ako po ay maghahanap na ng pamilya para sa akin.”
Mataga-tagal na rin daw naman na lagi niyang kasama gabi-gabi ang mga walang sawang tumututok sa show niya mula pa noong panahon ng Wowowee hanggang sa Wil Time Bigtime nga. Sana raw ay matindihan ng lahat kung magdesisyon man siyang magpahinga muna from hosting.
“Iyon naman ay kung sakali lang,” aniya. “Kasi po ay hanggang 2013 lang ang kontrata ko. So… mag-iisip muna ako. Nasabi ko ang tungkol dito para alam lang ng lahat.”
Siguradong marami ang malulungkot kapag nangyari nga ‘yong sinasabi niyang posibleng pagpapaalam na niya sa paghu-host pagdating ng 2013.
NAKABALIK NA SA Pilipinas ang Miss World first runner-up na si Gwendoline Ruais. Sa kanyang pagdating, isang press conference ang ginanap para sa kanya kamakailan. Natutuwa naman ang 21-year old beauty queen sa overwhelming na pag-welcome ng lahat sa kanya.
Sabi nga niya sa interview sa kanya ng media, “Super-touch ako sa lahat ng suporta na ibinigay ng lahat sa akin. People we’re proud of me. I’m very happy.”
Bukod sa pagiging frist runner-up ng Miss World, si Gwendoline din ang nakakuha ng titulong Miss Continental Queen of Asia and Oceania na ipinagkaloob ng Miss World Organization.
Marami umano siyang hindi mali-limutang magagandang karanasan du-ring the Miss World pageant. Aniya nga… “It’s really a great experience with all the girls. It’s like a huge international family,” being with the other contestants ang ibig niyang sabihin.
And her most memorable experience nga raw: “Everytime we have dinner. Sina Miss Thailand, Miss Peru, and Miss Czekoslovakia, we always get together for dinner and for lunch. And no matter what, we laughed so much. Friends for life talaga.”
Ang pinakamahirap naman daw na kanyang naranasan during the pageant ay nang pumunta sila sa Scotland. Ang lamig daw kasi roon. Pero kailangang maging fabulous pa rin daw silang mga kandidata with all the gowns and dresses na kanilang isusuot.
Nang nasa London naman daw sila, they went to the giant ferris wheel sa Baks of the River Thames, kung saan lahat silang candidates ay naka-gown at 7:00 in the morning. Ang hirap daw na ang lamig-lamig doon pero kailangan mong mag-smile.
No’ng mismong coronation night na, aminado si Gwendoline na kinabahan siya. Lahat naman daw silang mga kandidata no’ng nasa stage na, may gano’ng pakiramdam.
“Kasi your country. You want to make you countrymen proud. You are in fron of two billion people. One third of the world is watching you live. Nakaka-stress. Ang nasa isip ko, I will do my best and make my country and my family proud.”
May mga nagtatanong kung may balak ba si Gwendoline na pumasok sa showbiz. Pero aniya, hindi pa raw niya napag-iisipan ang tungkol dito. Naka-focus daw muna siya sa kanyang duties as Miss World first princess. Tingnan na lang daw niya pagkatapos nito. Hindi umano niya isinasara ang kanyang pinto para sa anumang opportunity.
Napagkukumpara sila ni Shamcey Supsup na nanalong third runner up naman sa Miss Universe 2011. At wala namang anumang masabi si Gwendoline about this. Magkaibigan naman daw silang dalawa. But she wish to see Shamcey raw one of these days kung available ang schedule nila pareho.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan