KINUMPIRMA NA ni Willie Revillame na simula sa January 26, 2013, magsisimula ang TV show niyang WowoWillie.
Tatapat ito ng Sabado at bisperas ng birthday ni Willie. At napagkasunduan daw nila ng TV 5 management na ilipat sa tanghali ang WowoWillie para raw hindi mahirapan sa pag-uwi ang kanyang mga tagahanga na nagsasadya pa sa Novaliches studio ng Kapatid Network.
Bukod sa timeslot, ililipat na rin ang studio ng kanyang TV show sa Delta Theater para madaling sadyain ng mga tao at may seating capacity na 1,000.
Personal ngang binabantayan ni Willie ang pagpapaayos ng bago niyang studio at mapapanood ito tuwing 11:30 am mula Lunes hanggang Sabado. Nangako rin si Willie na sasagutin nito ang mga pamasahe ng mga pupunta sa Delta Theater na manonood ng kanyang noontime show.
Samantalang last year pa nagbigay ng kanilang reaction ang Eat Bulaga Dabarkads na no big deal daw ang paglipat sa tanghali ng TV show ni Willie Boy.
Wala naman daw bago sa ginawang pagtapat ng TV show ni Willie sa Eat Bulaga. Maganda nga raw ‘yun para sa televiewers.
SA X-MAS party na handog ni Bong Revilla para sa producer, staff and crew ng kanyang TV show na Kap’s Amazing Stories na napapanood na ngayon every Saturday sa GMA 7, ipinagmamalaki nito sa ilang press na imbitado rin na excited na siya sa pagsisimula ng kanyang serye na Indio.
Magastos at talagang pinaghandaan daw ang serye na mistulang isang malaking pelikula na rin kung ihahambing sa mga nagawa na niyang magastos na pelikula.
Kaya nga raw nang ialok sa kanya ang serye at mabasa ang script ay hindi na siya nakatanggi dahil talagang maganda at magastos.
Nasabi rin ni Bong na first and last serye niya ang Indio pero mananatili ang Kaps Amazing niya sa GMA 7 dahil nakapagtuturo ito ng aral sa televiewers at sa mga estudyante.
IISIPIN MO tuloy na nagsa-sour grapping si Direk Dante Mendoza sa naging pahayag nito dahil sinisisi nito ang MMDA sa mga lumalabas daw na box-office gross report ng kanyang pelikulang Thy Womb.
Ayon kay Direk Dante, ‘di raw totoo ang mga lumalabas na gross report, lalo na raw sa kanyang pelikulang Thy Womb na umabot diumano ng P24 million na.
Narito ang pahayag ni Direk Dante: “That’s not true. As one of the producers of the film. I have the actual box-office figures that I continue to monitor on my own.
“I have been complaining about this since three days ago when it was reported that Thy Womb had earned P6.3 million in its first three days. That is not also true.”
May nakararating din daw kay Direk na ang mga lumalabas na figures ay hindi raw galing sa opisina ng MMDA.
Say pa ni Direk Dante: “If that’s the case, then they have no complete control of their festival. I have investors in this project. When box-office release figures like that are made public and it does not even come close to our own tally, baka akala ng mga investor ko niloloko ko sila.”
Gusto lang daw ni Direk Dante, kung ano talaga ang kinita ng pelikula ay ‘yun talaga ang ilabas.
Mula sa 44 theaters na pinaglabasan ng Thy Womb noong Christmas Day, bumaba na ito sa siyam (9) na sinehan kahit na nanalo ito ng pitong trophies kasama na ang pagiging Best Actress ni Nora Aunor.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo