Willie Revillame, nabasted pala ng pinsan ng dati niyang trabahador!

IF LOVE comes in the most unexpected places — ayon nga sa linya ng isang banyagang awitin — so do little unknown showbiz tsikas na maaaring matisod ng isang reporter even beyond his hours of duty.

Nakainuman namin kamakailan ang nagtrabahong bisor sa comedy bar na pagmamay-ari noon ni Willie Revillame, ang Funline na matatagpuan sa Roxas Blvd. Sarado na ang establisyimentong ‘yon na tumagal din daw nang ilang taon, pero sariwa pa sa alaala ng aming nakatoma ang magandang pamamalakad ni Willie sa kanyang negosyo.

Hindi binanggit ng aming source what led to the closure of the bar, pero naging saksi ito minsan nang bonggang selebrasyon ng kaarawan ni Willie. Kuwento ng aming source, “Siyempre, bilang bisor ng bar na ‘yon, nagbihis ako. Nagsuot ako ng violet na long sleeves, semi-formal naman ‘yon. Pero nagulat si Boss Willie nang makita niya ako, naka-violet long-sleeved polo rin kasi siya na kamukhang-kamukha ng suot-suot ko!”

But more than the sartorial similarity, ‘ika nga (for sure, branded nga lang ‘yung kay Willie), ay ang pambubuko ng aming source na natipuhan at niligawan pala ni Willie ang kanyang pinsan. Pagmamalaki nito, “Nu’ng time na ‘yon, 38 years old na ang pinsan ko, pero hindi mo iisiping ganu’n ang edad niya dahil mukha siyang bata, to think na meron na siyang anak.”

Pero wala umanong namagitang relasyon kay Willie at sa babaeng ‘yon, may asawa na raw kasing Hapon ang nakapukaw sa atensiyon ni Willie.

SA AMING regular na pagtutok sa mga patalastas sa TV, tila manaka-naka, kundi man hindi na umeere ang TVC ni Kris Aquino endorsing a beer brand. Halata naman kasing ginamit lang ang serbisyo ni Kris dahil sa kanyang malakas na hatak in advertising, but in reality, hindi siya umiinom ng serbesa.

Wala ngang ineendorsong health drink si Kris, isang nakalalasing na inumin pa kaya? So, nasaan naman ang credibility ni Kris as a product endorser if she is not a consumer herself?

May bahagyang pagkakahawig din ito sa hotdog commercial ni Senator Chiz Escudero. Bago lang sa market ang brand ng naturang processed meat na ineendorso ng mambabatas. Pero sa TVC, ang ginamit na cast ay kunwari’y pamilya ni Chiz.

Based on the TVC, it underscores a typical Pinoy family enjoying a meal all together. But based on reports na hiwalay na umano si Chiz sa kanyang misis — for reasons that they would choose not to disclose in public — paano makukumbinsi ng senador ang mga consumer para tangkilikin ang ineendorso niyang hotdog?

No product launch is held yet by its manufacturers para pormal na ipakilala si Chiz bilang endorser ng hotdog na ‘yon.  Kilala bilang the most verbose (read: pinakamasalita sa wikang Tagalog na paikut-ikot lang naman ang kinukuda, bordering on being a trying hard makata!) of all senators si Chiz.

If at all, will Chiz dare bare whatever happened to his marriage para mas maging malinamnam naman ang hotdog in a “showbiz sandwich”?

ANOTHER FAMILY-ORIENTED  katsipan episode of Face To Face comes your way this Friday na pinamagatang Kahit Matagal Nang Hiwalay, Ginagapang Pa Rin Ni Mister Si Misis Kapag Dinadalaw Ang Anak Sa Bahay. Tampok dito ang feeling-guwapo at hambog na si Nestor na hinahabol daw ng mga babae to the point na dalawang beses daw siyang nagpakasal.

Pero kapalmuks din pala itong si Nestor dahil kahit matagal na silang hiwalay ng kanyang asawang si Meriam, sa tuwing bumibisita raw ito sa kanilang anak na nasa poder nito ay ginagapang siya ni Nestor, to think na meron na itong bagong kinakasama.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAi-Ai delas Alas at Vice Ganda, nagkapatawaran na!
Next articleSarah Geronimo at Gerald Anderson, gumigimik na naman sa hiwalayan issue?!

No posts to display