Willie Revillame, ‘pag bumalik sa Dos, marami ang magre-resign?!

BLIND ITEM: Hindi talaga ‘to kinaya ng powers ko. Kasi, ‘yung mukhang ‘yon na maamo at sikat pa, eh puwedeng makahalina ng mga mujer (girls).

At totoo nga, babaero nga ang aktor na ito.

Ang siste nga lang, eh halos iisa ang kuwento ng mga girlitang friends ko sa iba’t ibang pagkakataon. Nagtataka sila kumba’t gano’n? Si Aktor ay ayaw silang “i-penetrate”?

Hahahaha! Why kaya?

“Ang nakakalokah, mama. Nag-concentrate na lang ako du’n sa gusto niya. ‘Yung bj as in buko juice. Hanggang sa makapag-release siya, ‘yun na ‘yon at babu na!”

Ows, talaga?

“Juice ko, mama, ano ba ‘yan? Imbiyerna, ‘di ba? Siya lang ang na-satisfy at ngangang literal na ang byuti ko, dahil all through out, nakanganga nga ako, dahil sa sing-along portion lang pala ang gusto niyang mangyari.

“Ano ba ‘yan, mama? Nasanay ba ‘yan sa bading nu’ng araw, kaya pahada lang siya nang pahada sa mga girls?”

Sabi namin sa aming kausap, “At least, sa girls, hindi sa bading, huh!”

Saka malay naman natin kung choice ni Bagets na hanggang buko juice lang ang drama niya’t finished na? At ayaw niyang makabuntis ule?

I THINK nagsimula ang paggamit ng pangalan bilang pandiwa o verb kay Vice Ganda nu’ng pausuhin nito ang “I-Dawn Zulueta mo ako!” Na ang ibig sabihin ay “buhatin mo ako nang nakatayo ako at iikot mo ko.”

Hanggang sa pati ang “I-Aryana mo ako!” na ang ibig sabihin ay “buhatin mo ako nang nakahiga ako at magkaharap ang mukha natin!”

At nu’ng on national tv ay inamin ni Ms. Universe 1st runner-up Janine Tugonon sa “Kris TV” na na-in love talaga siya sa lead vocalist ng The Script na si Danny O’Donoghue, kaya inisplitan niya ang long time boyfriend na si Jaypee Santos, nauso naman ang salitang, “I-Janine Tugonon mo na ‘yan” na ang ibig sabihin ay, “isplitan mo na ‘yan, dahil me bago ka nang mahal!”

At ‘yun na, kaya nagkaroon na ng “I-Vice Ganda mo ako!” na ang ibig sabihin ay “aliwin o pasayahin mo ako!” Heto’t may bago na naman.

‘Eto ‘yung walang pinagkaiba sa sinasabi nu’ng araw pa na, “Ang pakasalan mo eh, ‘yung me apat na M. Matanda, mayaman at madaling mamatay.”

Kaya kung sasabihin mo sa kaibigan mo, “Pare, ang pakasalan mo eh, mayaman at perahan mo na lang, tapos, iparamdam mo sa kanya na hindi mo talaga siya mahal at meron kang ibang mahal,” sasabihin mo, “I-Jed Salang mo lang ‘yan!”

‘Yan ngayon ang kumakalat sa facebook, kaya rito mo masasabi kung gaano katatalino ang mga Pinoy pagdating sa seryosong bagay ay nagagawan pa ng biro.

HINDI NA pala nag-renew ng kontrata sa TV5 si Willie Revillame, kaya hindi rin totoo na humihingi siya ng P90-M monthly bilang suweldo at production budget. Hanggang October 12 na lang ang Wowowillie.

At nagkakaroon na nga raw ng countdown, ayon pa sa colleague na si Roldan Castro.

Sabi ni Willie raw, “’Pag may nagsasara, may magbubukas na mas malaki.”

Nu’ng May 17 pa raw sumulat si Willie sa management at tinanggap naman nito ang pagpapaalam. Sa ngayon, magko-concentrate muna sa US tour si Willie kasama ang mga hosts at doon na rin muna siya magpa-Pasko at Bagong Taon.

So ang tanong ng bayan, saang istasyon na pupunta si Willie?

Wala pa tayong naririnig na babalik sa ABS-CBN si Willie, pero according to our source, “’Pag bumalik si Willie sa ABS, marami ang magre-resign!”

Gano’n?

Abangan ang susunod na kabanata.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleGeorgina Wilson, delikado sa Maynila?!
Next articleCristine Reyes, friends lang daw pero natutulog sa bahay ng lalaki?!

No posts to display