ALTHOUGH HIS CONTRACT will expire in September 2011, as far as his legal counsels are concerned, wala nang kontrata si Willie Revillame sa ABS-CBN. Effective on the day kung kailan nagpatawag si Willie ng presscon, August 9, pinuputol na ng TV host ang kanyang propesyunal na kaugnayan sa naturang istasyon.
It took Willie all of 20 days sa kanyang naging desisyon, mula nang sabihan siya ng mga kinatawan ng Dos noong July 20 na hindi na maisasakatuparan ang kanilang kasunduang naplantsa na nang halos magkasunod na araw, July 10 at 13.
That being so, ayon na rin sa mga abogado ni Willie, naging unilateral o one-sided ang desisyon emanating from ABS-CBN which allegedly violated the terms and conditions na nakasaad sa kontrata ni Willie. Ito’y kahit inaalok siya ng once-a-week program sa ABS-CBN o sa Studio 23 (the main channel’s sister network).
Sa ngayon, malinaw ang mensahe ni Willie sa pamunuan ng Dos: Ipinate-terminate na niya, o itinetermineyt na niya ang kanyang kontrata. No more turning back, much less going back to niche na ayon nga kay Willie “has become the core of my existence.”
Gayunpaman, abut-abot pa rin ang pasasalamat ni Willie kina Mr. Gabby Lopez at Ms. Charo Santos-Concio.
KUNG ANG ABS-CBN naman ang tatanungin, it intends to keep Willie until his contract expires in September 2011. Bukas naman ang TV host sa anumang legal na hakbang that the Kapamilya Network may be constrained to take against him.
On a lighter note, isa sa dalawang hypothetical question na ipinukol ni Ricky Lo sa ieereng panayam nito kay Willie sa Startalk TX bukas ay kung papayag itong mag-guest sa Eat Bulaga, katapat ng kanyang sinibak na Wowowee, to which ang sagot nito: “Kung ige-guest nila ako, bakit hindi? Masarap makasama ang mga institusyon, ‘yung mga hinangaan mo.”
Susog ni Tito Ricky: “Tulad ni…” Sagot ni Willie: “Tito, Vic and Joey.” Hirit muli ng Startalk TX host, tiyak na mas maganda raw kung si Joey de Leon naman ang mag-iinterbyu sa kanya. Tugon ni willie: “Bakit hindi? Basta huwag lang niya akong titirahin. Ha-ha-ha!”
But of course, such scenario won’t happen soon, not when Willie has to settle his case first with ABS-CBN more than grace any program or put up his own para muling magpasaya ng mga tao.
MASASABING FOUR PLUS one ang nagmumurang butt exposures sa indie film na Tarima: ‘yung sa gumanap na bayarang lalaki na katalik ni Chokoleit, ‘yung sewing machine repairman na dyowa ng bidang si Fanny Serrano, ‘yung kay Rocky Salumbides na ka-do ni Tita Fanny sa tarima at ‘yung kay Tita Fanny mismo!
Aber, nasaan ang plus one? Eh, ‘di ‘yung mukha mismo ni Chokoleit that reeks of rectal odor, kung paanong ganoon din kabaho ang kanyang nakasusulasok na image sa showbiz!
Anyway, this is not about the opposite of beauty nor of fragrance. May kinalaman ito sa lakas ng screen presence ni Rocky, na bagama’t on the moreno side ay malaki ang pagkakahawig sa nasirang si Miguel Rodriguez (SLN). A virtual thespic greenhorn, very powerful ang raw acting ni Rocky, thanks to the directorial instructions of Neal Tan.
Payak, pero malalim ang atake ni Rocky sa kanyang papel bilang Brian, an introvert inmate na nadamay lang sa isang krimen, but whose proverbial liberty from jail is the realization na wala na siyang pamilyang babalikan ngunit may baklang nag-aalaga’t nagmamahal sa kanya.
Tarima is not all about “puwet,” much less Chokoleit’s face that looks and smells like it. Isa itong pelikula na huhubad sa nakakubling katotohanan ng buhay.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III