Willie Revillame, pinahiya si Valerie Concepcion sa Wowowee?!

NAKARAMDAM KAMI NG awa nang malaman naming naiyak ang mother ni Valerie Concepcion na si Tita Mayet nang makarating sa kanya na ipinahiya ni Willie Revillame ang kanyang anak sa Wowowee last week.

Hindi namin napanood ang Wowowee episode pero may nagsabi sa amin na after ng opening number daw noong Miyerkules nangyari ang pagpapahiya ni Willie kina Valerie at RR Enriquez. Napanood ng friend namin ang nasabing episode last week at maging siya ay awang-awa sa sinapit na pang-okray kina Valerie at RR.

Impromptu kasi ay binigyan ng situation at pinag-host daw ni Papi sina Pokwang, Mariel Rodriguez, Valerie at Pokwang. Kuwela raw sina Mariel at Pokwang at sumuwak sa panlasa ni Papi Willie. Pero hindi raw ito satisfied sa ginawang pagho-host nina RR at Valerie.

At typical of him, bigla raw naglitanya si Willie ng ganito, “Kasi ikaw Valerie, kain ka nang kain, puro pagkain ang inaatupag mo sa dressing room. Ang dami mo pang magdala ng sapatos.”

[ad#ad-text-links-1]

Pati rin daw si RR ay hindi nakaligtas sa litanya ni Willie. Inokray rin daw ng TV host ang kawawang si RR dahil hindi siya nagalingan dito.

Ang tsika sa amin, hindi na lang daw kumibo sina RR at Valerie sa pamamahiya sa kanila ni Pappy.

Actually, hindi rin napanood ni Tita Mayet ang nasabing episode. Pero, ang dami raw nag-text sa mother ni Valerie para itsika ang ginawa sa kanyang anak. Napaiyak na lamang daw si Tita Mayet nang malaman niya ang pamamahiya ni Pappy Willie sa kanyang anak. Siyempre, sino ba namang ina ang hindi mahahabag sa nangyari sa kanyang anak, eh, babae pa naman si Valerie, ‘di ba?

At itong mga executives naman ng Dos, bakit hinahayaan nilang mangyari ang ganoon? Bakit, takot ba sila kay Willie? Ganyan ba ang turing mo sa isang Kapamilya, ha, Willie?

At ano rin ba ang ginagawa ng MTRCB? Hinayaan na lang ba nilang mapanood ng sambayanang Pilipino ang isang Willie Revillame na tarayan ang kapwa host niya kapag nagkakamali? And to think, hindi lang sa Pilipinas ipinalalabas ang Wowowee kundi maging sa iba pang panig ng mundo, ha!

Kung umasta itong si Willie, feeling perfect. Eh, madalas nga, eh, hindi siya masyadong maka-pick up kapag Inglisan na ang labanan sa kanyang show. Perfectionist daw si Willie. Well, you’re very far from being perfect.  Ang dami mo ring pagkakamali sa hosting mo, ‘no!

As a host, Willie isn’t perfect. How can he demand perfection when he’s not even perfect? Doesn’t make sense, right?

Si Valerie naman, nang makausap tungkol doon ay naunawaan naman daw na ganyan lang talaga si Willie pero wala naman daw sa kanya iyon. Sanay na raw kasi siya sa mga ganoong eksena ni Willie.

MUKHANG HINDI PA nakaka-recover itong si Regine Velasquez sa favorite character niyang Betty La Fea.

Napansin n’yo ba, puro mala-Betty ang kanyang TV character na ginagampanan lately?

Hindi kagandahan si Kim Sam Soon na kanyang ginampanan kung saan naging leading man niya si Mark Anthony Fernandez. Si Mark Anthony uli ang leading man niya sa Diva kung saan deglamorized na deglamorized siya.

A few years ago, baliw na baliw si Regine na gawin ang Betty La Fea. Talagang naka-set na sana ang kanyang paglipat sa Dos noon, pero parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig nang i-deny ng mga reporter na kabig ng Dos na wala namang offer sa kanya para lumipat.

Ayun, naudlot tuloy ang pag-o-ober da bakod sana ng Songbird. Apparently, isa ang Betty La Fea na gagawin sana niya sa Dos.

Napanood namin minsan ang Diva at asiwang-asiwa kami sa portrayal ni Regine bilang isang pangit na struggling singer. Pilit ang kanyang pagpapatawa at halatang nagka-capitalize ang show sa hitsura ng kanyang character. Parang binibigyan ng ilusyon ang mga tao na kahit na pangit ka ay puwede ka ring magkaroon ng career lalo na’t maganda ang iyong ugali at talented ka.

Pero hindi iyon ang talagang premise ng show dahil kung ito talaga ang kanilang motibo, bakit kailangan pang gumanda si Regine sa kalagitnaan ng programa? Of course, hindi naman siya forever na pangit sa show, ‘no!

At itong si Regine, nakakatawa. At forty ay kung anu-ano pa ang ginagawa sa telebisyon.

O, well, concept daw niya iyan, ha! Naku, ayaw ni Betty ng ganyan! Ha-ha-ha!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #264: March 15, 2010
Next articleHulicam: Yeng Constantino, pinopormahan ng bokalista ng Rivermaya?!

No posts to display