I’M SURE, si Kris Aquino ang pinakamasayang ina ng mga sandaling yun dahil masaya ang gentle giant niya na si Kuya Josh nang dalawin ito ng singer-host-comedian na si Willie Revillame ang panganay ng Queen of All Media sa bahay nito sa Quezon City.
Sa pagbisita ni Willie recently ay super happy si Josh na kumanta pa ng song ng # 1 idol niya.
Niregaluhan pa ni Willie ng jacket at CD si Kuya Josh. That day ay nag-joyride si Kuya Josh sakay ng Ferrari ng celebrity host.
Sa mga magagandang kaganapan na mga nangyayari ngayon sa career at personal na buhay, umaayon na talaga ang positive sign ng mga bituin sa mg tinatkan ng TV host-actress.
Reyted K
By RK Villacorta