SABI NGA NILA, “tangkilikin ang sariling atin.” At mukhang ‘yun nga ang nangyari nang matanggap namin ang 2009 report ng bestselling albums sa Pilipinas. Isang text message ang pinadala sa amin ng Star Records Marketing Head na si Nixon Sy, na naglalaman ng listahan ng 2009 Bestselling Albums (for OPM and Foreign Albums combined) sa Astrovision at Astroplus outlets.
Number one sa listahan ang “Ikaw na Nga” album ni Willie Revillame na siya namang sinundan ng album ng namayapang si Michael Jackson Live in Bucharest. Kung tutuusin, nitong second half of the year na lang bumulusok ang album sales ng King of Pop matapos itong mamatay noong Agosto. Pero ‘yung kay Willie, dahil sa araw-araw niyang pagpo-promote ng kanyang album sa Wowowee, buong taon itong napo-promote at tumatabo ng benta lalo na sa TFC subscribers na adik na adik sa Wowowee.
Hindi pa roon natatapos ang listahan, pangatlo naman ang isa pang album ni Willie na “Giling Giling” na sinundan ng album ni Kris Aquino na “We Are One” kung saan kasama niya si Baby James. Balik sa ikalimang puwesto si Michael Jackson para sa kanyang album na “Michael Jackson: The Essential CD.” Hindi rin naman nagpakabog si Charice Pempengco na sumunod para sa kanyang Pinoy-produced album na “My Inspiration.” Matatandaan kasing may US-produced album si Charice at may nakapagkuwento sa amin na kapag nasa Manila pala ang batang singer, e, ‘yung kanyang “My Inspiration” album lang ang puwede niyang i-promote. May ganu’n?
Sinundan na sila ng mga foreign acts. Tanging mga Star Record albums lang ang umarangkada nang todo sa bentahan noong isang taon. Apat sa sampung nakatuntong sa listahan ay mula sa Star Records at pumuwesto pa sa pinakamatataas na puwesto. Patunay lamang na kahit papaano ay nakahihinga pa ang music industry sa ating bansa kahit pa laganap ang pamimirata ng iba. Mas maeengganyo pa ang mga producers na gumawa ng marami pang album kung ganito kalakas ang pagtangkilik ng mga Pinoy!
Narito ang kumpletong listahan ng mga bumentang album noong 2009 sa lahat ng Astrovision at Astroplus shops sa Pilipinas: 1) “Ikaw Na Nga” – Willie Revillame; 2) “Michael Jackson: Live in Bucharest” – Michael Jackson; 3) “Giling Giling” – Willie Revillame; 4) “We Are One” – Kris Aquino and Baby James; 5) “Michael Jackson: The Essential CD” – Michael Jackson; 6) “My Inspiration” – Charice Pempengco; 7) “Addicted to Love” – Princess Velasco; 8) “Fearless” – Taylor Swift; 9) “As 1” – Martin Nievera and Gary Valenciano; at 10) “The Fame” – Lady Gaga.
Congratulations din sa iba pang OPM artists na pumasok sa top ten gaya nina Princess Velasco, Martin Nievera at Gary Valenciano. Ang mga sumunod pa sa listahan sa top 20 ay halos mga foreign acts na. Gusto ko sana silang i-congratulate kaso lang baka hindi makarating sa kanila ang balita! Hahaha! Congratulations sa Star Records, ha, para sa bonggang 2009, kahit pa halos dinelubyo tayo ng mga kalamidad, kamatayan, trahedya at iba pang problema, may mga good news din naman na nangyari at isa na ito roon! Kaya naman, thank you Lord talaga!
‘Yun na!