HINDI LANG natin alam na sa sarili niyang effort (without media coverage), may sariling ginagawa si Willie Revillame para sa mga taga-Tacloban na napinsala at nasira ang kabuhayan at buhay ng mga mahal nila sa buhay. Sa Red Cross, napag-alaman naming nagbigay siya ng P10 million noong first few days matapos dumaan ang super bagyo.
Sa darating na Sabado, December 21, tutungo siya sa Tacloban para mamahagi ng sarili niyang kontribusyon sa survivors mula sa sarili niyang bulsa. Balita naming namili na si Willie ng worth P3 million of supplies na ikakarga nila sa pamamagitan ng eroplano na nahiram niya at pinagasolinahan.
Kinabukasan, December 22, kasama ang mga dating mga artista sa show niyang Wowowillie, magpe-perform sila at magbibigay saya sa survivors gayong malapit na ang Pasko.
Sa biyaheng ito ni Willie, hindi lang malinaw sa amin kung ang ginawang fundraising projects ng mga dating host niya na sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, Grace Lee, Shalani Soledad-Romulo at Ruffa Mae Quinto na Women for Yolanda na naganap last Saturday at nakalikom ng almost half a million ay makikisali sa effort na ito ng comedian-host.
Kahit magpatalo man si Willie ng milyones sa casino at magbenta ng kanyang mga properties tulad sa mga naglalabasang mga balita, bahala siya at doon siya masaya. Basta ang mahalaga, nagsi-share siya sa kanyang mga kababayan sa panahon na kailangan nila ng ayuda.
Reyted K
By RK VillaCorta