GANUN NA lang ang pagtataka ng mga magulang ng noo’y anim na taong gulang na batang lalaki kung bakit after more than four years ay muling nabuhay ang kasong child abuse na isinampa kay Willie Revillame.
Kinatigan kasi ng Court of Appeals ang naging desisyon ng Quezon City RTC na dapat papanagutin at arestuhin ang TV host sa bisa ng isang warrant. The case stemmed from a March 2011 episode of the now-defunct program Willing Willie kung saan pinagsayaw na parang macho dancer ang umiiyak na bata.
Nakiusap na huwag nang ipakita ang kanilang mga mukha in a TV interview, nagulat ang mga magulang ng ngayo’y 10 years old na nilang anak sa CA verdict.
Anila, nakapagsimula na silang muli ng kanilang buhay, at malaking bahagi ng simulaing ‘yon bilang pagtalikod sa isang madilim na karanasan ay ang pagbibigay-liwanag pa rin hanggang ngayon ng tinawag nilang Kuya Wil.
And we mean, Kuya Wil’s monthly financial help to this day. May sarili na ring negosyo ang naturang pamilya
As far as Willie’s legal counsel is concerned, sumailalim na noon sa arraignment at nakapagpiyansa pa ang kanyang kliyente kung kaya’t wala umanong dahilan para ipadakip ito.
Timing na timing yata ang development na ito sa kaso sa patuloy na pananagumpay ng Sunday show ni Kuya Wil na Wowowin sa GMA, gayong mas magkakaroon sana ng impact ang pagkakalugmok kay Willie kung itinaong wala pa itong show at kawalan na nito ng direksiyon sa kanyang career.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III