OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding.
Ipagpatawad po n’yo ako sa mga tagatangkilik ng show ni Willie Revillame. Kasi naloka ako, nag-trending talaga sa FB ko ang mga negative feedback. Kasi sobra raw ang kayabangan na maraming pagbabago. Tama, marami nga, dumami ang dancers na walang kakuwenta-kuwenta ang kanilang opening number na umabot nang more than 20 minutes at may pasara-sara pa sila ng ilaw.
Sabi nga nila, sana hindi na nagbukas ulit ang ilaw, kasi nasa ibang channel na sila nanonood. Lalo na’t pagbukas daw ay parang unanong Elvis Presley na sunog ang nakita na napaligiran ng da who. Si trying hard Ethel Booba raw ang nakita nila.
Para sa kaalaman n’yo, ‘eto ang mga nilalaman ng comments nila. Please wala akong kinalaman dito ha!
According to Ely de Castro, “Opening pa lang ng bagong time slot at format ‘KUNO’ ng show ni Willie Revillame, hindi na ako nasiyahan. What for kung made-daily pa siya? Kung sa bagay, kahit nu’ng nasa Dos pa siya at nalipat sa TV 5, never akong nanonood ng show niya, cheap kasi. Halos gabi-gabi kinakanta niya ang ‘ewan’ niyang album. Kaya wish ko lang na maganda kung abutin ito ng 5 years para at least, hindi naman kahiya-hiya sa isang institution na kanyang binangga, ang Eat Bulaga na kahit sa Showtime ay napakalayong ihambing.
“Kaya lang pinagtitiyagaan ang show niya, dahil nagmumudmud siya ng pera sa mga taong nagbabaka-sakali at lalo silang nagiging tamad, walang ginawa kung hindi pumila sa show niya. Isa pa, medyo bawasan ang dance number kasi nagmumukhang dance show na sila, at kailangan bang puro babae ang co-host niya na feeling ko, kulang pa para makiliti nila ang masa sa presence ni chaka Ethel Booba. ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi magtatagal ang show.”
At ayon naman sa isang kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na ayaw magpabanggit ng name niya, “Wowowillie sa noontime, almost 30 minutes delayed ang premiere telecast ng Wowowillie on TV5. For the past 20 minutes, ang haba ng opening ng production number na halos starlets ang bumandera (da who), ang baklang Ate Gay lang na impersonator ni Nora Aunor na kamukha ni Vic Sotto ang medyo kilala. Is this the show na sabi ni Willie yabang na super na pinaghandaan? The opening dance ay napaka-ordinary, boaring, nothing spectacular, change channel na lang ako at hindi na ako bumalik baka ma-stress pa ako. Naging para kasing show ng mga baguhan. Nawalan na ng oras sa mga dating co-host na akala ko may surprise number din sila.”
Anyway, ‘yan lang ang mga ilang negative feedback ng show ni Willie. Kung ako ang inyong tatanungin, sorry po, hindi ko napanood kasi kailan man, hindi ko pinag-aksayahan ang show na ito. Kasi para sa akin, tinuturuan nilang maging tamad ang mga tao na nagbabaka-sakali na magkapera at pumila araw-araw sa studio, at marami namang nagpapauto. ‘Yun lang.
Isang Romy Reyes naman ang nag-pm sa akin. Sabi niya, “Napanood ko ang opening ng Wowowillie, hindi siya gano’n ka-impressive, walang dramatic entrance na inaasahan ko. Ang pangit ng batuhan ng joke nina Ethel Booba at Willie, hindi nakakatawa silang dalawa… magastos lang siguro kasi ang daming mga dancer na paraang dance showdown. Masamang senyales yata ang pagkawala ng ilaw, parang bituin na wala nang kinang, at nag-akmang showlitics na ang show, kasi may mga pulitikong kumakandidato ngayong 2013. Ang tanong, ano ang ginagawa nila sa show ni Willie? Suporta saan? O baka sila ang nagpapasuporta kay Willie? Hindi pa nagtanda na lahat ng sinuportahan ni Willie lost in emotion, as in talo. ‘Eto pa ang nakakaloka, p’wede nang ilagay sa Guiness Book, 11:30am to 4:30pm, kabaliwan na ‘yan! Wala namang kakuwenta-kuwenta ang show, puro ewan. Pati ba naman ang pagtatambol ng anak niya, pinangalandakan na halos kumain ng 15 minutes. Ano ba ‘yan? Akala ko ba, pinaghandaan, pinag-isipan. Saan?
‘Yan po ang iba’t ibang reaction sa show na Wowowillie sa kanyang premiere sa TV5 sa noontime. Kayo ang maghusga, tatagal ba ito?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding