LALONG UMINIT NA pinag-usapan ngayon si Willie Revillame pagkatapos nitong magsalita sa Willing Willie nu’ng nakaraang Biyernes, kasabay pagpapaalam na mawawala raw muna ang kanilang programa sa loob ng dalawang linggo. Mahigit 30 minutos yatang naglitanya si Willie nang binalikan nito ang mga pinagdaanan niya muna nang mag-Wowowee sa ABS-CBN 2 hanggang dito sa TV5. Ang matindi pa, pati sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Jim Paredes, Tuesday Vargas, K Brosas, Mylene Dizon at Agot Isidro ay pinatutsadahan niya dahil sa mga tinitira raw sa kanya sa Twitter. Ewan ko lang, pero hindi naman yata du’n sa mga nabanggit niya tinitira siya sa Twitter. Hindi naman kasi ako nakakapagbasa ng Twitter na ‘yan, pero nabasa ko na lang sa diyaryo ang kay Aiza Seguerra. Pero ang sabi sa akin, wala naman daw paninira sa kanya ang iba du’n sa nabanggit niya. Kung ano kasi ang ikinukuwento sa kanya, pinapaniwalaan niya. Kaagad naman niyang binabanggit sa TV, kaya tuloy ang daming nag-react at kung anu-anong paninira raw ang mga sinasabi laban sa kanya. Nagsalita pa itong idedemanda niya ang mga naninira sa kanya sa Twitter, eh ang dami yata nu’n. Pero ang sabi naman sa akin, karamihan naman du’n taga-ABS CBN 2 kaya hindi na ako nagtataka. Kunsabagay, mabuti na rin munang magpahinga ng dalawang linggo ang Willing Willie dahil masyadong mainit pa. Mabuti na ring makapagpahinga muna si Willie dahil hindi talaga siya tinitigilan ng mga kumakalaban sa kanya. CONGRATULATIONS SA MAG-ASAWANG Niño Jefferson Lim at Krista Ranillo sa kanilang bagong baby boy na iniluwal ni Krista nu’ng April 5. Ang laki ng baby na may timbang na 8.6 lbs. pero normal ang panganganak ni Krista. Muntik na nga raw siyang i-Caesarian, pero nakayanan naman ng aktres kaya tuwang-tuwa itong nalagpasan niya at safe silang mag-ina. Unfair lang sa mag-asawa dahil nakara-ting daw sa kanila na naging biruan ng ibang sportswriter na kamukha raw ni Manny Pacquiao ang baby. May nagsulat pa yata nito sa diyaryo na ginawang biro at nakarating daw ito kay Niño. Masamang-masama raw ang loob niya sa nagsulat nu’n kaya pinag-iisipan daw ni Niño na magdemanda. Sana maging masaya na lang daw sila sa kanilang pagkakaroon ng baby, huwag nang haluan ng malisyosong biro. In fairness naman, kamukha ni Krista ang baby at minsan may kuhang parang halo ng hitsura nila ni Niño, kaya tigilan na ‘yang ganyang biro. Kaya ako, kinu-congratulate ko sila dahil feeling daw ni Krista, fulfilled na siya at isa na siyang ina. Balak daw nilang magbakasyon dito at itutuloy na ang church wedding dito kapag medyo malaki-laki na ang kanilang baby. Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis
RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR
Ai-Ai delas Alas, apektado rin sa pagkamatay ng ama ng panganay na si Sancho Vito
NALUNGKOT DIN si Ai-Ai delas Alas sa pagpanaw ng unang lalaking nakabuntis sa kanya.
Ngayon lang na-reveal ang tunay na pangalan ng unang nakabuntis kay Ai-Ai na si Rey Malte-Cruz. Siya ‘yung ama ni Sancho Vito.
Sumakabilang-buhay na si Rey nu’ng nakaraang Linggo ng hapon at ‘yun ang balitang bumulaga kay...
Megan Young at Tom Rodriguez, ayaw makumpara ang remake nila ng serye sa ibang bersyon
NAGPA-PRESSCON NA ang GMA 7 ng bagong drama series nilang Marimar na pagbibidahan nina Megan Young at Tom Rodriguez.
Parang ibang-iba ito sa nakaraang Marimar, kaya ayaw na nilang pag-usapan ‘yung mga nakaraang Marimar para ibang look naman itong kay Megan.
In fairness kay Megan, bumagay naman sa kanya ang role....
Mariel Rodriguez, ‘di pa rin mabiyayaan ng anak
MARAMI NAMAN ang naawa kay Mariel Rodriguez na nakunan na naman pala.
Kinumpirma nga ng kampo ni Robin Padilla na nakunan si Mariel. Kuwento ng mga bading, kumalat nga raw ang video na kung saan nagpa-check-up si Mariel, at du’n nalamang nakunan ito.
I’m sure dinamdam ito nang husto ng mag-asawa....
April Boy Regino, nabubulag na dahil sa diabetes
NAGULAT NAMAN ako sa kuwento nilang nabubulag na raw si April Boy Regino.
Pumirma pala ito ng kontrata sa GMA Records at may gagawin na itong album.
Doon nalamang nabubulag na raw ito dahil sa diabetes. Nakakatakot ha!
Ikinuwento ni April Boy sa Startalk ang pinagdaanan niyang sakit.
Nabalita noon ang pagkaroon niya...
Robin Padilla, nakiusap sa fans na ‘wag tirahin si Maria Ozawa
PINAGPIYESTAHAN DIN sa social media ang isyu nina Robin Padilla at Maria Ozawa dahil sa ‘di pagkatuloy ng pelikula nilang Nilalang na entry dapat sa Metro Manila Film Festival.
Understandable ang rason ni Robin dahil prioritized naman niya siyempre ang pamilya.
Ang sabi ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes,...
Aldub craze, may magandang mensahe sa kabataan
NAGING POSITIBO ang dating na ng Aldub craze na ito dahil sa magandang aral na ibinabahagi ni Lola Nidora.
Nu’ng nakaraang Miyerkules ay muntikan nang magkita sina Alden at Yaya Dub, pero hindi na naman natuloy dahil kinapos sa oras, hindi na naabutan ni Alden si Yaya Dub pagkatapos niyang...
Alden Richards, ‘di maitatangging sikat na sikat na nga
BONGGA AT mataas pala ang rating ng back-to-back na programa ng GMA 7, ang Sunday Pinasaya at Wowowin.
Ang kuwento sa akin ng mga bading, sa NUTAM survey daw ay nakakuha ng 9 percent ang Pinasaya at ang ka-back to back nitong Wowowin ni Willie Revillame ay 8.8 percent. Bongga, ‘di...
Marian Rivera, magandang birthday gift ang mataas na rating ng Sunday show
MAGANDANG BIRTHDAY gift na rin daw kay Marian ang mataas na rating ng Sunday Pinasaya.
Ngayong araw ang kaarawan ng GMA Primetime Queen at siyempre ise-celebrate nila ito ni Dingdong Dantes kasama ang buong pamilya.
Pero nu’ng kamakalawa ng hapon ay nagkaroon ng thanksgiving mass kasama ang mga fans at ilang miyembro...
Alden Richards at Yaya Dub, naunsiyami ang pagkikita
BONGGA TALAGA ang Eat Bulaga, ha! Tatlong linggo pa lang tumatakbo itong Kalyeserye nila, sobrang hit na hit na at nakakaloka ang kasikatan ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub.
Lalo na nu’ng Sabado na inabangan ng lahat ang sapilitang pagpapakasal nina Lola Nidora kina Yaya Dub at...