‘BAKIT WALA ANG WW Girls sa opening ng Willing Willie?’ text ng isang kaibigan last Wednesday. Si Anna Feliciano lang daw ang nagsasayaw. Bakit nga wala ang mga nagseseksihang WW Girls?
Mula sa isang source, ‘nagpoprotesta’ raw ang grupo dahil sa kagustuhan ni Willie Revillame na idagdag sa kanila ang dalawang dancers na naging contestant sa Willing Willie. Pero ayaw raw ng WWG. Marami na raw sila, kaya bakit kailangan pang madagdagan?
Parang ‘nega’ ang dahilan ng grupo. Taliwas sa bentahe ni Willie na nagbibigay ng pag-asa sa mga gustong umangat sa buhay. Alam naman ng mga tagahanga ni Willie kung gaano ka-spoiled ang lahat ng involved sa Willing Willie, lalo na nga itong WWG. ‘Di ba, ang TV host pa ang nagbayad ng downpayments sa mga kotse nila? At kapag nagpupunta ng Boracay si Willie, kasama rin sila sa yate ng TV host.
Kung ang WWG ay nabigyan ng panibagong buhay at trabaho sa Willing Willie, dapat na i-share din nila ang good karma na dumapo sa kanila. Or else.
Seseryosohin na raw ni Janno Gibbs ang kanyang trabaho ngayon. Hindi na raw siya male-late sa mga commitments niya. At mismong ang pamilya raw ng TV host-singer-actor ang nagpu-push sa kanya na bigyan na talaga ng matamang atensyon ang career.
Aminado naman si Janno na naging unprofessional siya sa kanyang trabaho. At isa raw sa mga dahilan kung bakit ay dahil insomniac siya. Hindi raw siya nakakatulog nang maayos, kaya madalas na late siya sa trabaho niya. Nagte-theraphy na raw si Janno ngayon para malunasan ang pagiging insomniac.
Nilinaw rin ni Janno ang bali-balitang nagkakalabuan na naman sila ng asawang si Bing Loyzaga. Maayos daw ang pamilya niya. At ang suporta nga raw ng pamilya ang matinding rason kung bakit aa-yusin niya na nang husto ang kanyang career.
Walang kuwestiyon ang kahusayan ni Janno sa larangan ng pag-awit, pag-arte, at hosting. Kaya sana nga ay magtuluy-tuloy na ang kanyang pagiging professional sa kanyang career.
IT’S OFFICIAL, BUWAG na ang bandang Bamboo. Naglabas na rin ng statement ang grupo sa kanilang website. Pero hindi nakasaad doon ang dahilan maliban sa gasgas na linyang ‘all things change.’ Mara-ming fans ng banda ang nalungkot.
D’yan naman kami bilib sa bandang Parokya ni Edgar. Ilang taon na ang samahan nila. Pero going stronger pa rin. Ilang mga bagong banda na rin ang nagsulputan, pero wala yatang makapagpapataob sa grupo nina Chito Miranda. Hangga’t may fans silang tumatanggkilik sa mga awitin nila, sige lang ang Parokya.
As for Bamboo, abangan na lang natin kung ano itong rebelasyon daw ni Ira Cruz, ang gitarista ng banda, tungkol sa tunay na dahilan kung bakit nabuwag ang banda nila.
Bore Me
by Erik Borromeo