SA PAGSALUBONG lang ng Bagong Taon, ligaw na bala ang tumama sa mga kuwarentang inosente sa Pilipinas. Tapos, ‘yung mga nagsagawa ng indiscriminate firing, hindi pa rin nahahanap at wala pang umaako ng responsibilidad.
Baket ba gano’n katitigas ang ulo ng ilang mamamayan dito, ‘no? Pinagbawalan nang magpaputok, sige pa rin ang pagpapaputok? Pairalin ba ang kayabangan, pero ibang tao ang nakakawawa?
Pati ‘yang mga ipinagbabawal na paputok na ‘yan, ilang kamay na naman ang “binawian ng buhay”? At ‘yung literal na binawian ng buhay?
Hay, nako… sana, lagyan na ng ngipin ang batas para mabawasan na ang kayabangan ng mga irresponsible gun owners, lalo na ‘yung ibang kapulisan na pinaiiral sa mga kapit-bahay ang sobrang power trip.
Ikulong ang mapatutunayang nagbenta ng bawal na paputok nang isang taon. At ‘yung bumili, ikulong ng anim na buwan. Tapos, ‘yung nagpaputok naman ng baril, ikulong habambuhay o kaya ay ipahabol sa ligaw na bala ‘yang punyetang ‘yan.
Hahaha! Ano ba ‘yan, nagalit na tuloy ako!
Anyway, happy New Year sa ating lahat. Nawa’y taon nating lahat ang 2013!
PINAGHAHANAP NGAYON ang isang dating sexy actress ng may-ari ng tinuluyan niyang bahay sa San Francisco, California. Pa’no naman kasi, ‘tong hitad na ‘to, pinatuloy na sa bahay, tapos, ninakawan pa!
Yes, nakakalokah nga, eh. Dapat sana ay sa isang hostel siya tutuloy, pero nagmagandang-loob ang kaibigan ng kaibigan niya. Pinatuloy siya, pero umalis din ang hitad. Sabay na nawala ang mga gadget like iPhone, iPad at Samsung phone. Tapos, nu’ng makontak siya para nga itanong ‘yung mga nawala, ba’t naman daw niya ‘yon gagawin eh, me sarili rin siyang mga gadget?
“Sige, isama mo kami ngayon sa tinutuluyan mong hostel at hahalughugin natin ‘yung bag mo.” Aba, hindi na sumagot. At pati ang kanyang dalawang facebook account ay deactivated na rin.
So ano nga ang ibig sabihin no’n? Siya ba talaga ang kumuha?
By the way, mayamang Chinese ang napangasawa niya, pero dini-divorce na siya nito, ewan ko. Hindi kaya “ninakawan” niya rin ang sariling asawa?
Sayang, ‘no?
Kung gusto n’yo ng clue? Ang kanyang initials ay parang isang bahagi ng isang babae. Ayan, ha? Me karapatan na kayong mahulaan kung sino ‘yan.
YES, TOPGROSSER nga ang Sisterakas ng Star Cinema at Viva Films. I’m sure, bigayan na ‘yan ng bonus sa lahat ng stars at maging sa staff, dahil naka-P240M ito sa loob lamang ng siyam na araw at hinuhulaang makaka-P300M ito.
Ang alam din namin, me share dito sina Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino at Vice Ganda. Kung hindi kami nagkakamali, 12.5% si Ai-Ai at hati sa 12.5% sina Kris at Vice. Ang Star naman ay 50% at 25% ang Viva.
Anyway, nalokah lang kami nu’ng makuha ni Wilma Doesnt ang Best Supporting Actress award sa nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF. Nu’ng napanood namin, hinanap namin ang akting ni Wilma, nasaan?
Hindi naman sa tinatarayan si Wilma, ha? Hindi rin naman niya kasalanan kung siya ang ginawaran ng parangal, dahil hindi naman siya hurado.
Pero gusto naming itanong sa board of jurors, ano’ng nangyari? Pa’nong nanalo si Wilma gayong wala naman itong ginawa sa movie?
Pinagtatawanan tuloy ang screening committee sa pagkakapanalo ni Wilma. Saan na raw napunta ang taste ng judges? We love Wilma dearly, pero nalokah lang talaga kami sa pagkakapanalo niyang wala man lang “performance level” na ipinamalas.
Oh My G!
by Ogie Diaz