WINNER SA TAKILYA! Vice Ganda at Coco Martin, nangunguna sa MMFF 2017; Haunted Forest, humahabol!

Vice Ganda and Coco Martin

PINATUNAYAN nina Coco Martin at Vice Ganda na sila ang nagtutungali sa unang pwesto sa pagiging Box-Office Superstar para sa ngayong MMFF 2017 sa walong mga pelikula ngayong taon na kinabibilangan ng Haunted Forest, All of You, Meant to Beh, Deadma Walking, Siargao at Ang Larawan.

Sa Fisher Mall sa may Quezon Ave. na malapit sa amin, maaga pa lang ay sold-out na ang mga seats sa buong screening schedules sa araw ng Pasko (December 25) ng pelikula ni Vice.

Syempre, hindi magpapaiwan si Coco na nagso-sold-out din ang mga screenings sa FM na sumasabay kay Vice sa lakas ng hakot sa kani-kanilang mga market.

Halos magkapareho ang audience ng Ang Panday at The Revenger Squad.

Pumapangatlo ang Regal Films Haunted Forest na bida sina Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas at Maris Racal na type ng mga Pinoy maging ng mga bata lalo pa’t ang Pinoy moviegoers ay mahilig sa mga horror-suspense movie.

Sabi ng ticket seller na pinagtanungan namin, ang Meant to Beh ni Bossing Vioc at Dawn Zulueta ay hindi ini-expect ng ticket seller na pumuwesto sa pang-apat na dati-rati noong huling MMFF entry ni Bossing Vic na kung hindi man siya nasa una ay pumapangalawa siya sa unang araw ng showing.

HAUNTED FOREST lead stars Jon Lucas, Maris Racal, Jane Oineza and Jameson Blake

Ang pelikula nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, ayaw pa bumitaw sa karera. Ang Siargao naghihingalo kung pagbabasehan ang box-office result sa unang araw sa naturang mall sa Kyusi.”

Sayang, wala screening ng Ang Larawan  na nag-iisang musical film na bida sina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino na personally ay gusto ko at maaaring ma-pull-out sa ilang mga sinehan dahil ang mga theater owners ay gusto naman kumita.

Kung bakit naman kasi kung sino pa ang sikat with the likes of Coco and Vice ay sila pa ang super kayod sa pagpo-promote na kita mo naman ang effort nila na sinusuklian ng taumbayan.

Ang ibang mga bida ng mga pelikula sa MMFF 2017, waley. Parang tinatamad i-push ang movie nila na pa-patiks-petiks lang at hindi man lang marunong mag-like or mag-share sa social media ang mga  tumutulong at nagpo-promote sa kanila.

Belat, kaya waley kayo.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSUE RAMIREZ, NAG-BAD FINGER DAHIL NAUNAHAN SA PARKING SLOT?
Next articleMga pelikulang “Ang Larawan”, “Deadma Walking” at “Siargao”, sinasabotahe nga ba?

No posts to display