PRESSURED si Winwyn Marquez sa ginagawa niyang pelikula na ang title ay Nelia dahil mahirap ang kanyang role na gagampanan. Ayon sa kanya ay first time pa lang niya itong gagawin. Kakailanganin ding ipakita ng former beauty queen ang kahusayan niya sa pag-arte sa pelikula para mas maging believable ang kanyang character.
Paano ba niya pinaghahandaan ang dini-demand ng karakter niya sa pelikula?
Tugon ng dalaga, “I’m preparing for the role by watching movies of Rosamund Pike like Gone Girl and I Care a Lot. I have also consulted psychologist friends kung paano kumilos ang isang taong may mental illness kasi they are experts in that field.”
“Kasi very challenging siya. But they made me read the full script and after I did, I said yes kasi it would be foolish for any actress na pakawalan ang ganito kagandang role. Ngayon pa lang po ako magkakaroon ng ganitong klaseng role.
“Excited ako na this time, lahat ng laro ko bilang isang kontrabida ay magagawa ko rito. And magkakaroon sila ng roller coaster ride of emotions and questions while they are watching the movie,” paliwanag ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.
Sa virtual interview kay Winwyn ay ibinahagi rin niya na noong kasagsagan ng pandemic ay nagbebenta siya ng pandesal para may pandagdag kita.
Kuwento niya, “Ako po, nagbenta ako ng pandesal. I learned how to bake and cook. During the pandemic, talagang gumawa ako ng way na iyong past time ko, dapat ay may matutunan din ako. Hindi puwedeng nakahiga lang or walang ginagawa.”
“Hindi po ako marunong mag-cook pero during the pandemic ay natuto po ako and then I learned how to bake. And I’m very happy and fortunate na yung mga nandito po sa village namin, they really bought from me at nag-oorder sila,” dagdag niyang pahayag.
Makakasama ni Winwyn sa pelikulang prinodyus ng A and Q Productions Film sina Mon Confiado, Dexter Doria, Lloyd Samartino, Vin Abrenica, Ali Forbes, Shido Roxas at Raymond Bagatsing. Nelia is directed by Lester Dimaranan.