Wish ng ‘The Promise of Forever’ viewers: Bigyan ulit ng project sina Paulo Avelino at Ritz Azul!

Ritz Azul and Paulo Avelino (PauRitz)

“BITIN NAMAN!” 

‘Yan ang reaksyon ng kapitbahay namin nang malaman nito na magtatapos na ang teleseryeng “The Promise of Forever” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Ritz Azul

Supposedly, ang teleseryeng ito na may fantasy-romance theme ang bonggang launching vehicle ng ex-TV5 star na si Ritz Azul. May mga press release pa nga noon na itotodo ng ABS-CBN ang pagpromote sa dalaga bilang leading lady. In fairness nga naman kasi, may ibubuga sa aktingan si Ritz kahit noong nasa Kapatid network pa lang siya. Hindi ba’t marami rin siyang teleseryeng pinagbidahan doon?

Wala rin itong kyeme sa pagpapasexy at may timing din ito sa comedy. Very pleasing din ang aura nito sa press at fans kaya maraming naa-attract sa kanya. 

Ang original plan yata ay pang-primetime ang programa. Gastusan ba naman ng taping sa Eastern Europe?! Marami nga ang nagtaka na na-delay ang pag-ere. Ang sabi ay nagkaroon ng aberya sa production at may tsika pa na may mga eksenang dapat i-reshoot at nagkaproblema sa continuity.

Buti na lang at kahit sa panghapon ito ipinalabas ay sinuportahan pa rin ng manonood. ‘Yun nga lang, marami ang nabitin.

Sabi pa nga ng ilang netizens, bagay na bagay daw sina Paulo at Ritz. Maganda ang chemsitry, ‘ika nga. Hindi na kailangan bigyan ng isyu na kesyo nagkakagustuhan para lang ibenta sa madlang pipol.

The Promise of Forever lead stars Paulo Avelino, Ritz Azul and Ejay Falcon

Pagkatapos ng The Promise of Forever (last episode na bukas!) ay magcoconcentrate si Paulo Avelino sa historical drama na “Goyo: Batang Heneral” na challenging ang shooting at happy ang aktor na nakapasok sa MMFF ang musical-drama na “Ang Larawan”, kung saan ginagampanan niya ang papel na Tony Ferrer. Nalilinya ‘ata ngayon ang poging aktor sa mga proyektong may kinalaman sa time travel, huh! 

Ang next TV project naman niya ay ang reunion show niya with Julia Montes at Aljur Abrenica. 

Samantala, si Ritz Azul ay isa nang regular cast member ng Banana Sundae. Sana ay mabigyan ito agad ng follow up teleserye o why not movie? She deserves it!

Sa mga PauRitz fans, suportahan ninyo ang ending ng “The Promise of Forever”. Malay niyo, baka bigyan ulit ang paboritong tambalan ninyo ng bonggang project kapag makita ng mga bosses na may demand pala.

Previous articleSEXY AND SIZZLING HOT: Erich Gonzales, nagpasilip ng alindog sa kalendaryo!
Next articleTeleserye ni Paulo Avelino na “The Promise of Forever”, tinuldukan na!

No posts to display