NAKAKATAWA DIN ‘TONG si Matteo Guidicelli. Tinanong ang isang contestant sa Happy, Yipee, Yehey! kung anong kurso ang kinukuha. Sumagot ito ng, “Criminology po!”
Sey ni Matteo, “Ah, so gusto mong maging gwardiya?”
Hahaha! Maya-maya, siguro, na-realize ni Matteo, “At gusto mo ring maging pulis?”
Kaya masayang manood ng Happy, Yipee, Yehey! eh! Hehehe.
So, si Mariel Rodriguez na pala ang bagong miyembro ng Wil Time Bigtime, huh? Nakausap namin si Jay Montelibano (ang EP o business unit head) at kinumpirma nito sa amin na si Mariel ay hindi sa noontime show mapupunta, kundi kay Willie.
Definitely, hindi na namin inalam pa mula kay Jay kung ano ang na-ging problema ni Mariel sa HYY, dahil kausap niya that time si Mr. Percy Intalan ng TV5.
UULITIN PO NAMIN, ha? Preempted po ang E-Live! bukas. Baka ma-shock kayo kung UAAP ang mapanood n’yo after HYY. Hindi po tinanggal ang E-Live!. Ayaw ng fans, dahil ‘yan na nga lang ang show namin. Hahahaha!
Hindi bale, isa sa mga araw na ito ay babalik na kami sa teleserye, dahil luluwag na ang aming iskedyul.
Gusto namin ‘yung sinabi ni Robin Padilla nu’ng nag-guest sila ni Bea Alonzo sa E-Live! na gusto niyang magkaroon sila ng movie kasama sina Bea, Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo.
Ibig sabihin, all’s well that ends well na sa pagitan nila ng dyowa ni Bea.
Pero feeling namin, malabong matupad ang wish na ‘yon ng a-ming kumpareng Robin, dahil… ano… ahm… basta malabong matupad ‘yon sa ngayon.
TRAILER PA LANG ay very interesting na ang bagong teleserye ni Gerald Anderson bilang si Budoy, dahil hindi rito guwapo ang aktor. Medyo pinapangit siya rito at ginawang kaawa-awa ang itsura.
Kaya punum-puno ng misteryo sa amin ang teleseryeng ito. Ngayon nga lang, me abang factor na kaming nararamdaman, eh. I’m eggcited, yeah. And I just can’t hide it.
Sa mga gustong mag-follow sa amin sa Twitter, @ogiediaz lang po at meron din kaming fanpage sa Facebook, i-like n’yo lang ang The Ogie Diaz.
Oh My G!
by Ogie Diaz