GARANTISADONG may 100 percent non-stop entertainment ang latest comedy film ng Regal Entertainment na Woke Up Like This na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Lovi Poe at showing sa Aug. 23.
Aba, nang mapanood ang rough copy ng Joel Ferrer movie, ang lakas ng hagalpakan ng mga taong nakasaksi ng kalokohan ni Vhong at kakikayan ni Lovi, huh!
Bihasa na rin ang Regal sa paggawa ng comic films na pampamilya. Patunay ang latest blockbuster nitong “Our Mighty Yaya” na pinagbidahan ni Ai Ai de las Alas.
Eh, sumabasabay rin kasi ang Regal sa mga uso ngayon para sa mga millennial audience dahil ang titulo na “Woke Up Like This” ay nagmula sa malikhaing isipan ng millenials.
Parehong babaligtad ang mundo nina Vhong at Lovi sa pelikula dahil magkakapalit sila ng gender.
Nakakatawang panoorin kung paano kumilos si Vhong bilang babae na very conscious sa kanyang mukha. Kuwela din ang pagiging astig naman ni Lovi bilang lalaking dating basketball heartthrob.
Anyway, kasama rin sa movie sina Cora Wadell, Yana Assistio at Dionne Monsanto kaya naman kapag nagsama-sama na sila ni Lovi sa screen, riot talaga ang resulta.
Sina Joey Marquez at Bayani Agbayani naman, winner din ang comic scenes lalo na sa eksenang naliligo ang huli habang pinanonood siya ni Vhong bilang Sabrina!
Ngayon ay almos 10 million na ang views ng trailer ng Woke Up Like This sa social media. Maging sa malls na puntahan nila, umaapawang tao.
Bilang bonus, may surprise appearance ang ilang kasama ni Vhong sa It’s Showtime
at ilang basketball players na pumayag lumabas sa Vhong-Lovi movie.
Magsisilbing birthday presentation din ng Regal matriarch na si Mother Lily ang Woke Up Like This na turning 78 na sa August 19.
Happy birthday Mother Lily!
La Boka
by Leo Bukas