ALL OUT ON WOMEN’S MONTH: FDCP’S CINEMARYA

Vilma Santos and FDCP chair Liza Dino

IN CELEBRATION of National Women’s Month, nagpartner ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Commission on Women (PCW) para sa CineMarya– isang festival ng short films tungkol sa mga kababaihan.

“The festival aims to tell stories of Filipino women, more than their beauty, but their strength and passion, rising above the prejudice and struggles in society,” (Hangad ng festival na ito na maglahad ng kwento ng mga Pinay na nagpapakita ng hindi lamang kagandahan kundi katatagan ng loob at kakayahang magmahal sa kabila ng mga pagsubok sa lipunan) pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño sa paglunsad ng Festival last March 23 sa FDCP Cinematheque Center Manila.

Sa naturang kaganapan ay isinagawa din ang launching ng CineMarya sina DILG Asec. Marjorie Jalosjos at Chief of Corporate Affairs and Information Resource Management Division of the Philippine Commission on Women Ms. Honey M. Castro.

Sa unang taon nito, magbibigay ang CineMarya ng seed money na One Hundred Thousand Pesos (P 100,000.00) sa mapipiling participants edad 18 hanggang 30 years old para makapagproduce ng 10 to 20-minute short films tungkol sa women empowerment at iba’t-ibang roles ng mga kababaihan sa lipunan at awareness tungkol sa social issues on women at equality. Ang festival na ito ay bukas para sa mga filmmakers na hindi pa nakakagawa ng isang buong pelikula o dokumentaryo.

Bilang parte ng Festival, ang FDCP ay gagawa ng educational component para sa sampung finalists ng CineMarya sa pamamagitan ng pagbibigay ng two (2) slots (para sa direktor at isa pang representative) para sa FDCP Filmmaking Workshop Series – Planting Seeds at Film Industry Conference kasabay ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Liza with guests at the FDCP Women’s Month Celebration launch

Ang mga mapipili ay magkakaroon ng pagkakataong maisama sa CineMarya film camp – ito ay ang 2-day intensive filmmaking workshop sa Rizal na kasama ang filmmakers, PCW representatives, at iba pa. Ang producer at direktor ng bawat entry ay magiging fellows ng intensive program na ito para sa project development upang mas mailahad ng mabuti ang women empowerment.

Maaari nang magpasa ng kanilang mga entries sa FDCP mula April 1, 2018 hanggang June 30, 2018.

For additional details, please call FDCP at 256 9908 / 256 9948 / 256 8331.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articlePia Wurtzbach, makakasama na rin ang KathNiel bilang celebrity endorser!
Next articleCOMING SOON: Marion Aunor – Xian Lim collaboration!

No posts to display