OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Mapapa-yes ka talaga to the maximum authority of chikk ng bonggang-bonggang araw na ito, dahil maloloka ka talaga sa Erath!
Kumustahin naman natin ang teleserye ni Nora Aunor na Sa Ngalan ng Ina, na talaga naming pinag-uusapan ngayon na bumaba raw ang ratings. Ang tanong, kung talagang bumaba ang ratings, bakit?
Heto lang ang mase-sey ko d’yan. Bakit naman kasi late na late na ‘yung timeslot, at mukhang inaagawan ng oras ng nauna sa kanya. At take note, hindi ito tinutulungan ng naunang programa sa kanya, at hindi ito ipino-promote gaya ng dati sa Ang Babaeng Hampaslupa na pino-promote noon. Bakit kaya, ‘si ba?
At ito ang mga eksenang talaga naming maloloka ka! Eh, kaya naman pala nasabi nilang bumaba ang ratings, eh nanggaling pala sa survey ng Vilmanians.
Naku, pa’no naman masasabing mataas ang ratings, doon naman pala galing. Hintayin na lang natin ang sagot ni Ate Guy sa mga eksenang ‘yan.
AT HETO NAMAN ang susunod na chikka na kinababaliwan ngayon ng mga beki. Talagang masasabi nating tuloy na tuloy na talaga ang concert ng Wonder Gays na sina Blue, Pink, Black, Green at Gray. At take note, ang magiging title ng kanilang concert ay ‘May Nag-Tweeeet… Hur! Hur!’ Kaloka!
At nakaka-touch naman talaga sila dahil kinuha nila ang Hur! Hur! na lagi nilang kasama every Friday sa program ko na si Kristine Dera ng Yes! FM.
At siyempre, tinanong ko nga ang kaibigan kong si Lito de Guzman kung ano ang feeling niya na tuloy na tuloy na talaga ang concert ng kanyang mga alaga. Ang mase-sey lang niya, excited na excited siya para sa Wonder Gays, at first time daw mag-perform ng mga ito sa Zirkoh Morato, sa October 18.
Bukod sa excited, inaabangan din ng mga vaklush ang ipapagawa sa kanila ng stage director nila, kasama ang mga guest na talaga namang may pagnanasa ang Wonder Gays. Nang tanungin ko nga sila kung type din nila ang kanilang mga guest na sina Polo Ravales, Frank Garcia, Ahron Villena at Baron Geisler, ang sagot nila ay yes na yes! At take note, hindi lang ang mga nasabing hunks ang guest nila. Meron ding mga nagseseksihang Mocha Girls..
At heto ang pinakabongga d’yan, para talagang siguradong papanoorin n’yo, kakanta sila nang bonggang-bongga at ang kakantahin nila, ang mga nararamdaman ng mga kapederasyon. It means, habang kumakanta, nagba-blind item sila. Bongga, ‘di ba?
Kaya kung ako ang tatanungin n’yo kung sino ang type ko sa Wonder Gays? Si Gray! Bakit? Wala lang… hahaha!
Para naman sa detalye at ticket reservations, tumawag na kayo sa (632) 441-1276/ (632) 413-6791 sa office ng LDG Productions and Entertainment Recording Co. ni Lito de Guzman. Hanapin lang si Maricon, dahil malapit na yatang ma-sold out ang tickets! Pak! Congratulations, Wonder Gays!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding