OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo. Siyempre, bongga ang chikka dahil another week na naman, at naku magiging bongga ang pasabog ko today kaya naman don’t make your Monday a blue Monday.
Maloloka ka talaga sa Earth, dahil ito raw si Grace Lee ay super to the highest level kung umasta na parang first lady ni P-Noy. Kung kani-kanino nga raw nagpapa-interview, nakakaloka naman talaga!
Ano kaya ang masasabi ng mga sisteret ni P-Noy? Ang alam ko, okay naman sa kanilang tatlo. Kaya lang, parang Kay Kris Aquino, hindi niya mapigilang makialam. Alam mo naman, ‘pag may ganyang eksena, mas pipiliin ni Kris na makialam, lalo ‘pag nakikita niyang hindi maganda ang ginagawa ng magiging partner ng kanyang kuya ‘di ba?
Nakakaloka naman talaga! Ikaw kaya ang umastang first lady. Eh, ang tanong: ano kaya ang gustong palabasin ni Grace Lee kung bakit niya ginagawa ito?
Ginagamit lang kaya niya si P-Noy at gusto niyang makilala nang bonggang-bongga, o may something talaga sa kanilang dalawa?
ANOTHER CHIKKA, galing naman sa States. Bigla akong nagulat nang malaman kong tegi na, meaning shutay na, ang aking idol na si Whitney Houston. At the age of 48, namatay siya noong February 11 (February 12 sa atin). Nakakaloka naman!
Hindi naman nila ichinikka kung ano ang ikinamatay ng magaling na singer. Bakit kaya hindi nila sinabi? Naku, ang bata pa niya!
Anyway, condolence na lang. Nakakalungkot din, kahit paano, dahil sikat na sikat talaga siya. Pak!
HETO NAMAN ang isa pang pasabog na chikka ko sa inyo na talaga namang reklamo to death to the highest level! Ewan ko lang ‘pag nabasa nila itong column ko ay matauhan sila kung bakit ganu’n ang ginawa nila sa mga alaga ko, ‘di ba?
Naloka kasi ang Wonder Gays sa Redcaps sa Sucat, Parañaque. Panawagan ng Wonder Gays, dapat itong iwasan ng mga tao na magpa-event sa nasabing lugar.
“Sumisira sila sa usapan at sa kontrata. Nambaboy sila ng mga producer, binalewala nila ang concert. Bastusan talaga ang ginawa nila sa amin.” Sentimyento ng mga bakla.
May mga gulo yata ang mga ‘yun at mukhang nadamay pa ang manager ng Wonder Gays, ‘di ba? Kaloka! At ang 50 pcs sold tickets para sa concert ay ibinalik sa mismong araw ng event. Kaloka talaga!
Tapos, akalain mo, pinagbayad pa ang mga bakla sa mga kinain nila! Dapat siguro, sagot nila ‘yun, ‘di ba?
Sobrang bastusan talaga ang kinalabasan ng naging eksena ng Redcaps management. Hindi sila makatao. Dapat sa kanila, magsarado na lang. Hindi sila marunong mag-estima ng artista. Pak! Nakakaloka!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding