FROM BIDA na santa-santita ay biglang naging kontrabida ang papel ng ex-beauty queen turned sexy actress na si Kylie Verzosa bilang Dulce sa “Los Bastardos“. Sa first season ng show ay bini-build up ito bilang main leading lady ng pinaka-kuya sa programa na si Isagani played by the talented Jake Cuenca.
Kahit na nagkadevelopan na in real life sina Kylie at Jake, biglang nag-switch ang istorya na ang bestfriend na si Isay (played by Maxine Medina) na bigla ang pinush na makapartner ni Isagani. Bigla na lang ay nilihis na ang kuwento at ginawang kay Lorenzo (Joseph Marco) na napunta si Dulce. Sadly, hindi rin ito nagwork.
Noong una, akala namin ay ang pagiging real couple nina Jake at Kylie ang rason kung bakit binuwag agad ang tambalan nila. Hindi rin kasi natin alam kung tatagal ba sila bilang magnobyo at baka makaapekto pa ito sa show. But while watching the recent episodes, natuklasan na namin kung bakit.
Ginawa na nilang kontrabida si Kylie dahil hindi ito pang-teleserye lead material. Why? Dahil sa limang babae sa Los Bastardos (tsugi na ang karakter ni Jane Oineza), si Kylie ang pinakabanong umarte.
Buti na lang at napagtanto na ng Los Bastardos team na i-push si Lorenzo kay Diane (played by Ritz Azul), na ‘di hamak naman na mas marunong umarte. Mas nakakakilig pa ang pagdevelop ng away-bati scenes ng dalawa. Kaya siguro ginawa nang kontrabida si Kylie ay dahil mas kaya nito na magpa-frustrate ng viewers. Queen Kylie, workshop pa more, ha? It’s for your own good din or else lagi ka na lang special participation sa mga pelikula ng Viva!