It’s worth the wait! 2gether Forever!

1 Marek-Melody 2 Marek-Melody 3 Marek-Melody“FOR RICHER, for poorer… in sickness and in health… for better, for worse, till death do us part!” Ito na marahil ang pinakamatinding kasunduan ng dalawang tao na hindi dapat nababali. Ito ang itinaga ni   kanyang sarili nang pakasalan nya ang una niyang asawa. Sabi nga ito ay kasunduan ng dalawang tao pero paano kung dapat na katuwang mo ang siya pang babali sa kasunduang ito kagaya nalang ng nangyari kay Melody.

Si Melody ay isang registered nurse sa Leeds, Labindalawang taon narin siyang naninirahan dito. Kasintahan palang noon ni Melodie ang naging unang asawa. Nang makuha nya ang kanyang Permanent Residence visa sa UK after 4 years, umuwi siya agad-agad sa Pilipinas gaya ng napagkasunduan nila at nagpakasal para makasunod agad sa Leeds. Nasunod naman ang plano nilang mag-asawa na magkasama. Masayang-masaya si Melody dahil gusto niyang bumuo ng simple at masayang pamilya dito sa UK kaya ganoon na lamang ang pagpupursige niya sa kanyang trabaho. Ngunit wala pa man lang isang taon ay hindi na kilala ni Melodie ang lalaking kanyang pinakasalan. Sinasaktan siya nito at bigla nalang iniwan.

Gumuho ang mundo ni Melody. Nawasak ang pangarap niyang magkaroon ng buong pamilya. Sinira ito ng lalaking nangakong hindi siya iiwan hanggang kamatayan. Sa kabila ng pananakit kay Melody ay umasa parin ito na magkakabalikan dahil sa pagpapahalaga niya sa kanilang sinumpaan. Ngunit hindi sa pag-iwan natapos ang dagok sa buhay ni Melody. Nabalitaan niya nalang na nagbunga ang kataksilan na ginawa ng kanyang naunang asawa. Hindi siya ang pinili nito.

Taon ang inabot bago makabangon muli si Melody sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Napalapit lalo siya sa Diyos. Naging aktibo siya sa pagattend ng mga bible studies at prayer meetings sa simbahan. Panalangin daw talaga ang naging number one weapon nya para malabanan ang depression lalo na at malayo siya sa kanyang pamilya. Habang naghihilom ang broken heart ni Melody ay matiyaga naman pala siyang inaantay ni Marek, isang Polish carer sa Nursing home na pinagtratrabahuhan ni Melody. Kaibigan niya na daw ito ngunit hindi niya alam na may lihim na palang pagtingin sa kanya. Lumalabas daw sila ni Marek, binibigyan daw siya ng chocolates at ng iba pang regalo. Dumating nalang daw ang araw at narealise ni Melody na nahulog narin ang loob niya. Napatawad niya narin ang nauna niyang asawa kaya alam niya sa kanyang puso na handa na siyang magmahal. Naging magkasintahan sila at nang lumaon ay nagdesisyon na silang magsama habang inaantay niyang maayos ang annulment niya sa una niyang asawa. Biniyayaan sila ng anak na babae, si Kristy. Pagkatapos ng 4 years ay niyaya siya ni Marek na magpakasal sa simbahan upang mabasbasan ang kanilang pagsasama ng Panginoon.

Nito ngang Abril ay humarap muli si Melody sa dambana na puno ng pag-asa! Punong-puno siya siya ng kapayapaan at kaligayahan. Pinakapaborito daw ni Melody ang pagaantay ni Marek sa kanya sa altar dahil ito rin daw ang nagtuldok ng tuluyan sa anumang naging ugnayan niya sa nauna niyang relasyon. Ang pag-aantay daw na ito ni Marek ang magdadala sa kanila sa tunay at wagas na pagmamahalan! Ito na daw ang pinakaespesyal na araw sa kanyang buhay lalo na at natunghayan daw ito ng munti nilang anghel!

“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.” 1 Cor. 13:4

By Joy Mesina

 

Previous articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 75 June 16 – 17, 2014
Next articleStrict pero rock!

No posts to display