WECHAT NA nga ang binansagang pinakamalaking stand-alone messaging app sa buong mundo. Paano ba naman kay raming active users mayroon ang WeChat. Noong buwan ng Agosto, ngayong taon, may 438 million active at registered users ang WeChat.
Ang WeChat ay isang mobile text at voice messaging communication service na dinevelop ng Tencent. Ang Tencent na ito ay nasa China. Ang app na WeChat ay available sa halos lahat ng softwares: sa Android, sa Apple, sa Blackberry, sa sa Windows Phone, at sa Symbian phones. Puwede nga rin ito sa Web based na OS X.
Pero ang WeChat na inaakala n’yo na kasimple-simple lang, ang WeChat na akala n’yo kagaya lang ng iba pang messaging app diyan, aba! Mukhang nagkakamali kayo riyan, dahil lahat ‘yan ay malaking akala lang!
Ito ang mga features ng WeChat na magpapabilib sa inyo. At magsasabi na iba at walang katulad ang WeChat sa mga iba pang messaging app na umusbong sa ating bansa.
1. “Private Group” function
Aba, aba, aba! Mag-ala-James Bond at mag-acting na parang spy sa isang group chat. Kinakailangan mo lang kunin sa kaibigan mo na kabilang sa group chat ang 4 digit password sa chat. Kapag nakuha mo na iyon, mababasa mo lahat ng pinag-uusapan nila sa group chat nang ‘di nila nalalaman.
2. “People Nearby”
Ang WeChat din pala ay nag-aala-Tinder. Akala mo dating app! Paano ba naman nabibigyan ka ng pagkakataon na makausap ang mga taong nasa paligid mo kahit ‘di mo kakilala. Malay mo siya na ang susunod na prince charming mo.
3. DIY at Moving Stickers
Sikat na sikat sa mga messaging apps ang mga naglalakihan at cute na cute na mga stickers. Pero ang ‘di n’yo alam, ang stickers sa WeChat ay gumagalaw. At ito pa! Puwede ka pang gumawa ng sarili mong stickers. Do It Yourself lang ang peg kasi nga puwedeng i-customize ang mga stickers na ise-send mo sa mga kausap mo.
4. 100 people-Group Chats
Sa WeChat puwedeng-puwede kayong mag-reunion online! Isama mo ang buong batch ng eskwelahan mo. Kaya kasing mag-add ng 100 katao sa Group chat ng WeChat! ‘Yan ang wala sa iba dahil nalilimitahan ng ibang messaging apps ang bilang ng taong sumasali sa Group Chat.
5. Freebies sa WeChat
Alam mo bang namimigay ang WeChat ng mga libreng load at libreng cinema tickets. Noong nakaraang buwan lamang, namigay sila by random ng 1,500 na 15 pesos worth of load sa mga users ng WeChat pati cinema tickets na nagkakahalagang 200 pesos bawat isa.
6. Ang WeChat ay mala-social networking site din
Ang WeChat ay kombinasyon ng Social Networking sites at messaging app in one. Mayroon ang WeChat na Facebook like features gaya ng Moments at Official account. Gaya ng Tinder, mayroon itong Friend Radar, Shake at People Nearby. Gaya naman ng Skype, high resolution ang video chat nito.
7. Swak sa Desktop
Puwedeng-puwede itong gamitin sa Desktop at mag-send ng malalaking files gaya ng excel files, doc files at kahit powerpoint files pa ‘yan.
Saan ka naman nakakita ng messaging app na all-in-one na? Sa WeChat lang! Kaya ano pang hinihintay n’yo? I-download na!
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo