‘Write About Love’ nina Rocco, Miles, Joem at Yeng nasa Netflix na!

NAKAKAALIW na maraming Filipino films ang nakapasok sa Netflix ngayong buwan ng Setyembre. Karamihan pa rito ay mga indie films o mga award-winning movies na hindi nagkaroon ng maraming screening opportunities sa kanilang regular theatrical run.

Ang 2019 Metro Manila Film Festival film na ‘Write About Love’ ang bagong Pinoy movie na nakapasok sa pinakasikat na movie streaming platform ngayon. Ito ay humakot ng maraming awards (Best Screenplay, Best Editing, Best Musical Score, Best Original Song, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, Second Best Picture and Special Jury Prize) pero hindi masyadong napalabas sa mga sinehan sa labas ng Metro Manila. At least ngayon ay mabibigyan na ng oportunidad ang mga interesado na mapanood ito.

Rocco Nacino, Yeng Constantino, Joem Bascon and Miles Ocampo

Ang ‘Write About Love’ ay kuwento ng isang ‘female writer’ (Miles Ocampo) na gustong makapagsulat ng isang bonggang romcom movie. Hindi kinagat ng producers ang kanyang pitch kaya naman ipinares siya kay ‘male writer’ para pareho nilang pagtulungang isulat ang isang script. Ano nga ba ang kulang sa obrang gusto niyang gawin? Paano ba nila macoconvince ang producers na worth it sugalan ang kanilang konsepto?

Ito ang nagsilbing lanching movie ni Miles Ocampo bilang lead star. Surprising ang team-up nila ni Rocco Nacino dahil galing sila sa magkaibang istasyon. Habang sila ay nagsusulat o nagbi-brainstorm ay sina Joem Bascon at Yeng Constantino ang nag-act out ng mga eksena visually. Nanalo ng Best Supporting Actor at Best Supporting Actress sina Joem Bascon at Yeng Constantino para sa kanilang maiksi pero epektibong pagganap.

Ito rin ang launching film ng TBA Studios director na si Crisanto B. Aquino na naging Assistant Director ni Jerold Tarrog sa Heneral Luna.

‘Write About Love’ lead stars Rocco Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon and Yeng Constantino

Kung ikaw ay nangangarap na maging movie writer o ‘di kaya’y fan ng mga romance-comedy films, ito ang pelikulang swak para sa’yo! Ihanda lang ang tisyu dahil may mga eksenang hindi mo maaaasahan na maiiyak ka lalo na sa parte ni Female Writer habang kausap ang kanyang ama (Romnick Sarmienta).

Maliban sa ‘Write About Love’, palabas na rin sa Netflix ang Gasping for Air (Therese Malvar) , Sleepless (Glaiza de Castro and Dominic Rocco), Waiting for Sunset (Perla Bautista and Dante Rivero) at Distance (Iza Calzado).

Previous articleVLOG WATCH: Mansyon ni John Estrada, sinugod ni Long Mejia! (MAMEN!)
Next article‘Walang Hanggang Paalam’ nina Angelica Panganiban, Paolo Avelino, Zanjoe Marudo at Arci Munoz, mapapanood na ngayong Lunes!

No posts to display