SOBRA KAMING na-impress sa performance na ipinakita ng final six ng The X Factor Philippines na sina Jeric Medina, Gabriel Maturan, Kedebon Colim, Allen Sta. Maria, Daddy’s Home at KZ Tan-dingan nang mag-perform sila on stage sa harap ng press people. Mas ma-appreciate mo ang kanilang boses kapag narinig mo silang kumanta nang live kaysa pinapanood mo lang sila on TV.
Sa opening number, ipinakilala ni KC Concepcion si Jeric, ang pambato ni Martin Nievera, mula Parañaque na dating overweight. Kahit may karangyaan sa buhay, lumaki itong insecure dahil sa kanyang pangangatawan kaya’t nagpursige itong magpapayat. Sa sariling determinasyon, 70 pounds ang nawala sa kanya. First time lumahok sa isang singing competition sa TV ang binata. Nang mag-perform si Jeric on stage, napansin naming may pagkakahawig ang style, movement at ang boses niya kay Martin.
Pangalawang nagbigay ng kanyang song number ay si Gabriel Maturan, ang 2nd protégé ni Martin. Hamon sa pamilya naman ang hinaharap ng binata ito na taga-Dapitan City dahil hindi lang isa kung hindi tatlo ang kinilala niyang ama. Katorse anyos nang pumunta ito sa Denmark, kung saan siya nagsilbi bilang working student. Cool na cool ang boses na bumagay sa kanyang mala-jazz music song.
Ibang klase naman ang dating ni Kedebon Colim, pangatlong protégé ni Martin na taga-Cebu. May matindi ring kinakaharap sa buhay dahil bukod sa kahirapan, kailangang patunayan niya na karapat-dapat siyang mapabilang sa final six. Hindi naman kasi kagandahan ang boses kaya’t puro fast song ang madalas niyang kantahin sa competition. Marami ang bumabatikos sa kanya lalo na sa internet, pero patuloy siyang sinusuportahan ng masang Pinoy. Palibhasa nakaaaliw panoorin si Kedebon tuwing nagpi-perform kaya’t nakuha niya ang kiliti ng viewing public.
Hamon sa kahirapan din ang laban ng pinakabatang finalists na si Allen Sta. Maria ng Nueva Ecija na protégé ni Charice. Para mapag-aral ang mga kapatid at rumaraket siya bilang singer at sumasali sa mga amateur singing contest. Sa dami ng kanyang sinalihan, palagi siyang bigong maging champion. This time, pagkakataon na kaya niyang maging big winner sa?
Nag-iiba naman ang transformation ni KZ Tandingan kapag tumapak na ito ng stage. Kay sarap pakinggan ng kanyang boses. Kahit anong klaseng music, kaya niyang bigyang-buhay dahil sa naiibang boses na taglay niya. Matunog ang pangalan niya sa press, hinuhulaang sila ni Jeric Medina ang maglalaban bilang first big winner.
Bata pa lang noon si KZ, pag-awit na talaga ang hilig niya ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasakit siya sa lalamunan at ang dating biritera ay nawalan ng kumpyansa sa sarili. Sa tulong ng kanyang pamilya ay muli niyang binalikan ang musika. Naghanap ng ibang istilo sa pagkanta kasama ang kanyang banda.
Ang pinakahuling pambato sa kumpetisyon ay ang grupong Daddy’s Home ni Gary Valenciano na kinabibilangan nina Allan Silonga, Herbert Silonga, Eric Dacanay, at Jerome Icatar. Pawang mga pro-pesyunal at edad 31 pataas, ang Daddy’s Home naman ay humaharap sa hamon ng panahon at pa-milya dahil may kanya-kanya na silang mga anak na kailangang buhayin. Puro underground ang mga gig nila kaya naman nagbabaka-sakali silang sumali sa show para mapasok ang mainstream.
Sino nga kaya sa kanila ang magwawagi. Kaninong x factor ang mananaig sa puso ng publiko at ng mga judge-mentor? Abangan tuwing Sabado pagkatapos ng MMK at Linggo, pagkatapos ng Sarah G. Live!.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield