HINDI lahat ay nabibigyan ng chance para gumanap sa isang napaka-gandang role sa television man or pelikula.
But with with Ximara Sophia Bernardo Vigor, na mas kilalala natin as Xia Vigor as her showbiz name, she plays daughter to Aga Muhlach in the Metro Manila Film Festival 2019 entry “Miracle in Cell No. 7” produced by Viva Films and showing on December 25.
Lucky for Xia dahil not all newcomers in showbiz are given a chance to be Aga’s daughter in a project.
In the film directed by Nuel Naval, hindi lang isang dekorasyon ang role ni Xia sa pelikula. May partisipasyon siya sa takbo ng kuwento at sa relasyon nila mag-ama ng aktor na nakulong dahil sa bintang ng pag-rape at pagpatay sa isang bata na anak ni Tirso Cruz III.
Sa set, napaka-bibo ni Xia. No dead air. Ika nga, madaldal. Kahit pagod ang mga artista sa buong araw na pagso-shooting, pang-energizer ang dalagita.
Si Xia ay makuwento sa mga co-stars niya like Joel Torre, Mon Confiado, JC Santos Jojit Lorenzo at Soliman Cruz na mga kasama ni Angelito (played by Aga, mentally challenged dad of Xia) na nakakulong at kasama niya sa selda.
Who is Xia?
Xia Vigor is a British-Filipino 10-year-old childstar na nagkaroon ng chance na makilala ng publiko via It’s Showtime’s Mini-Me 2 contest na ginaya niya ang looks at talent ng American artist na si Selena Gomez.
Ayon sa kuwento ni Xia during the media conference of their MMFF entry: “I was only five years old so hindi po ako ganoon ka-excited sa mga napanalunan ko. Basta in-enjoy ko lang po ang contest dahil gustung-gusto ko po talagang sumali at mag-artista,” panimula ng cute na dalagita.
Ano naman masasabi ni Xia sa pagkakasama niya sa remake ng Korean hot movie na naging box-office hit noong 2013?
“Sobra po akong natuwa na napasama po ako sa movie ni Tito Aga at napakaganda rin po ang role ko,” kuwento niya na assessment ng karamihan ay too young at her age na 10 paraa maging mature mag-isip at sumagot ng mga tanong sa kanya.
So far, ang film festival entry na ito ng Xia ang biggest role niya in her entire career. Pang-amin na pelikula ito ni Xia.
“I enjoyed doing the movie not only with Tito Aga but with the rest of the cast at si Direk Nuel (Naval). They were all so good and so nice to me po,” kuwento niya.
Kahit busy sa kanyang showbiz career, naglalaan parin siya ng time for her studies sa Headway School for Giftedness kung saan she’s an academic scholar ng pinapasukan niyang school.