Xian Lim, aminadong nahirapan bilang first timer sa pagdidirek ng ‘Tabon’

Direk Xian Lim

ISA NANG ganap na film director si Xian Lim. Kalahok ang kanyang directorial debut titled Tabon sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival.

Kuwento niya sa amin, “Napakahirap palang gumawa ng pelikula, yon ang take away ko. Ang pinanggalingan ko kasi, I started of as an actor at ang ginagawa kasi namin, pagkagising susunod lang kami sa sinasabi ng mga tao sa set at ie-execute namin ang pelikula,  tapos uuwi na kami at magpapahinga.

“But this time around, iba po ang responsibility ng director, ng filmmaker to everyone, to all the staff, to productions. So, I think it’s more of that.”

Nagkaroon din daw siya ng mas malalim na pang-unawa at pag-intindi sa sakripisyo ng mga tao behind the camera habang ginagawa niya ang Tabon.

 “Totoo yon. Nagkaroon ako ng further understanding sa kanilang mga ginawa at ang laki ng natutunan ko. It gave me a new perspective talaga.

“Ako naman kasi before, focus lang ako sa sarili ko, gusto kong maitawid yung ginagawa ko. Kalma lang, parang ganun. Pero ngayon, it gave me whole another type of understanding and respect sa production,” lahad pa niya.

Pagkatapos ng mga pinagdaanang hirap, gusto pa ba  ulit niyang magdirek ng pelikula?

       Sagot ni Xian na hindi nagdalawang-isip, “Of course.

“Pagkatapos nga nito magsusulat ulit ako. This is very close to my heart.  This is my passion, I’ve always wanted to do this and finally nandito na ako and I will continue doing it.”

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAlden Richards, napaluhod at napaiyak kay Direk Cathy Gacia-Molina sa Hello, Love, Goodbye presscon
Next articleJerick Dolormente ng Starstruck matagal nang gustong mag-artista

No posts to display