ANO NGA ba ang dapat naging trato ng actor na si Xian Lim sa pagdalo niya sa Albay? Muling bumulaga ang pangalan ng actor sa piling naman ng mga Bicolano.
Samantalang sa Facebook at iba pang social media network, pinauunlad ng gobernador ng Albay ang mga lugar doon sa pamamagitan ng paanyaya upang i-promote ang mga lugar sa Albay.
Sa ‘di inaasahan, isa sa napiling diumano ay itong actor na si Xian upang makitang muli ng mga kababayan nila na dumayo roon ang isang artista. Subalit ganoon na lamang ang pagkabigla ng Chief of Staff ng Office of Governor Joey Salceda na si Atty. Caroline Cruz. Ito aniya ay tungkol sa ‘di inasahang ikinilos ng actor nang diumano ay inayawang isuot ang T-shirt na may tatak o logo ng Albay. Ito ay ayon umano sa kuwento ng nasabing lawyer na ipinaalam sa kanya ng kanyang staff na si Jockey.
Nang dumating na ang nasabing actor sa The Oriental Hotel bandang alas-11 ng umaga, bilang traditional gift ng lalawigan ay sinalubong ng mga staff ng Governor’s office si Xian Lim, at sinabi ni Atty. Cruz na, “Welcome back to Albay. Maybe this is your 2nd or 3rd time here. You know I’m so impressed with you because the last time you came here, you really took the van to perform.” Sa kabila ng mainit na pagtanggap ay tila wala diumanong imik si Xian.
Dagdag ni Atty. Cruz, “Umupo ka na lang dahil matangkad ka at maliit lang ako. Oh we have something for you.” Habang binubuklat at sabay na inaayos ang T-shirt, hinawi raw ni Xian ang kanyang kamay at sabay na sinabing, “Huwag po, ayaw ko po.”
Kaya ang ginawa ni Cruz, ay iniabot na lang nito ang coffeetable book ngunit diumano sinabi ni Lim na, “I did not come here to promote Albay.” Matapos tanggihan ni Lim, sinabi ni Atty. Cruz sa staff na “Itago na ‘yan ayaw pala niya,” at matapos ay nagpakuha na lang sila ng litrato.
Matapos ang mga pangyayari, umalis na si Atty. Cruz at pumunta sa sasakyan. Sumunod sa kanya ang kanyang staff at mga photographer. Sinabi ng mga itong nakita nila ang buong pangyayari. Sinabi ng mga itong, “Ma’am iniwan na namin. Ang bastos at mahal pa naman ng bayad sa kanya”.
Sa kanyang pagdating sa PTCAO Office, tumawag sa kanya si Lance Tan, ang VP ng The Oriental Hotel, sinabi nitong “Ma’am ano ba itong guest natin, ang bastos at ayaw magpa-picture. Nilayasan kami ng sinabihan naming magpapakuha kami ng picture kasama siya.”
SA Twitter account ni Xian, itinanggi niyang sinabi niyang hindi siya pumunta sa Albay upang i-promote ang probinsiya. Ang kanya diumanong exact words ay, “Sorry po. Hindi ko maisusuot ang shirt kasi baka magka-conflict sa clothing endorsement ko.” At sa huli ng Twitter post ay inilagay niyang, “I love Albay and I am always happy to be here with its good people. I deeply apologize to Governor Salceda and the people of Albay for misunderstanding about my reasons for refusal to wear the T-shirt.”
Dahil dito ay binatikos siya ng mga Albayano sa pagiging arogante diumano. Samantalang binayaran naman diumano ito sa halagang P350 thousand. Ani Atty. Cruz, may listahan ang Filipino Chinese Community ng pangalan ng mga artistang gusto nilang mapanood sa okasyon, gaya nina Jose Mari Chan, Enchong Dee, Kim Chiu, Xian Lim, at iba pa.
Dahil dito ay idineklarang persona non grata or unacceptable or unwelcome person si Xian sa Albay.
(Source): RNB Albay.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Cellphone no. 09301457621; e-mail: [email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia