KAWAWA NAMAN si Xian Lim. Ang aga ng Semana Santa matapos tanggapin ni Gov. Joey Salceda ng Albay ang kanyang paumanhin sa sinasabing pambabastos niya sa mga staff nito at sa pag-ayaw na “i-promote” ang lalawigan ng Albay, kung saan sa personal appearance niya para sa selebrasyon ng Chinese New Year ay binayaran siya ng P350,000.
Sa katunayan, isyu nga ngayon ang tungkol sa talent fee ni Xian na hindi naman daw ganu’n ang natangap ng Kapamilya star, dahil halos kalahati lang diumano ang naging take-home ni Xian for his work bukod pa sa napakalaking dagok sa kanyang career lalo pa’t ang pinyon ng publiko sa kanya ay hindi naman masisikmura.
Overheard sa tsikahan ng isang kaibigan namin at isa sa trusted staff ni Gov. Salceda, napagkasunduan ng Tourism Office ng lalawigan na para hindi maisyuhan ng ‘persona non grata si Xian sa Albay ay magpo-promote ito nang libre. Magpapapakuha siya ng photo sa iba’t ibang mga Bicol tourist destinations like The Ruins of Daraga, Mayon Volcano (as his backdrop) at magsusuot ng T-shirt with an “Albay” text na print, etc.
Babayaran ng lalawigan ang kanyang airfare, hotel accommodations and food, together with his alalay sa pagpunta niya sa Kabikulan to fulfill the terms and conditions ng opisina ni Gov. Joey.
As of this writing, hindi pa sumasagot sa e-mail namin ang aming contact from Gov. Joey’s side kung nakarating na kay Xian at sa Star Magic ang “deal” na ito.
Back to the P350,000 talent fee ni Xian na sinasabi ni Gov. Joey, inaalam ngayon kung sino ang salarin at nag-super cut gayong hindi naman ganu’n kalaki ang TF na napunta sa Star Magic artist.
Reyted K
By RK VillaCorta