ALAM KAYA ni Xian Lim na blind item na siya ng isang batikang kolumnista dahil sa kanyang kaartihan sa katawan? Ang kuwento, daig pa raw nito ang babae sa dami ng kanyang seremonya bago humaharap sa kamera. Tuloy, kung minsan nagiging cause of delay siya sa taping. Kahit napapansin na ng buong cast ang kaartehan ng binata, deadma na lang sila dahil ayaw ni-lang maka-offend. Maging si Kim Chiu raw ay naloloka sa pinaggagawa ng kanyang leading man. Imbes raw na mainis ito, natatawa na lang pero hindi nagko-comment.
Bakit kamo? Bago pala humarap si Xian sa kamera, naka-make-up na ito. Tatawagin muna niya ang kanyang alalay at kukunin ang salamin. Tititigan nang maigi ang sarili, magpapa-retouch ng make-up, emote muna sandali sa mirror. Just to make it sure na perfect ang make-up niya sa bawat anggulo, mapa-close-up man ang kukunan sa kanya ng director. Kung minsan pa nga raw, tinatanong pa ng actor sa director kung may close-up scene siya sa eksena.
Bukod sa make-up sa mukha ni Xian, papahiran muna ng oil ang kanyang lips ng make-up artist bago lagyan ng lip smuck, pink na lipstick para maging natural ang pagka-pink ng kanyang labi. Pagkatapos ng seremonya, saka palang ito i-emote sa set. Naloloka ang mga bading sa production, naturingang hunk actor si Xian, daig pa nito ang mga beki sa kaartehan.
KUNG DATI-RATI ay nae-excite kaming panoorin ang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw ni Robin Padilla, pero ngayon ay hindi na. Lumaylay na ang takbo ng istorya at na-focus bigla kay Kris Aqino ang mga eksena dahil nga nagka-cancer na ito. Napabalita pang mawawala na siya sa serye dahil nagpahayag itong ayaw na niyang gumawa ng drama series. Pero sa kanyang Twitter account, inamin ng Queen Of All Media na hindi siya mamamatay sa soap. Gumimik lang para pag-usapan ang show.
Nagmukha tuloy supporting na lang ang dating nina Robin at Anne Curtis dahil sa daming dramatic scene ni Kristeta. I’m sure, pag-uukulan ito ng pansin ng iba’t ibang award-giving bodies para maging Best Actress for TV next year. Kahit hindi aminin ng TV host, nangangarap din siyang mabigyan ng recognition ang effort na ibinigay niya sa serye. Hindi namin maramdaman ang character na pino-portray niya kahit pilit siyang pinapaarte ni Direk Joyce Bernal.
Kahit palaging magkaeksena sina Kris at Robin, alam mong moment ‘yun ng TV host- actress. Magaling si Idol sa mga dramatic scene nilang dalawa. Naka-in character ito, suwabe ang pagbigkas niya ng mga dialogue. Ramdam mo ang kanyang pinagdaraanan bilang asawa ni Kris na may taning na ang buhay. Maging si Anne, bagay sa kanya ‘yung role at magaling siya sa seryeng ito.
PASOK SA Star Magic Circle 2013 si Julian Estrada, anak ni Sen. Jinggoy Estrada. A second year high school student at the OB Montessori. Umapir na rin siya sa pelikulang Katas ng Saudi with his dad. Noon pa man sa mga special event ng pamilya Ejercito, napag-uukulan agad ng pansin itong si Julian. Tipong artistahin naman talaga ang dating.
Madalas nga naming sabihin kay Madam Precy Ejercito (mother ni Julian) na puwedeng artista ang anak niya. Smile lang ang naging tugon nito sa amin. Palibhasa nasa dugo ni Julian ang pagiging artista tulad ng kanyang Lolo Erap Estrada at Sen. Jinggoy, kaya hindi siya nahirapang mapapayag ang mga ito.
As a person, dating mahiyain si Julian pero nang mag-workshop na ito sa Talent Center. Nagkaroon ng confident sa sarili, he has become open to more possibilities in showbusiness. Julian believes he will be good in doing dramas and hopes to make his family proud. Naniniwala rin siya, doing bad boy roles is more challenging. Gusto rin niyang makatrabaho sina John Lloyd Cruz at Anne Curtis.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield