NAIINIP NA ANG mga fans ng Primetime Princess na si Kim Chiu sa bago nitong teleserye, Binondo Girl. This time, hindi si Gerald Anderson ang kapareha niya kung hindi sina Xian Lim at Matteo Guidicelli.
May halong kaba at excitement ang nararamdaman ni Xian sa muli nilang pagsasama ni Kim. Una silang naging magka-partner sa Minsan Lang Kita Iibigin na tinanggap naman ng publiko. Pero may chika na nagkakailangan daw sila ni Gerald na agad namang pinabulaanan ng young actor. Binigyang-linaw niya na magkaibigan daw sila ni Gerald at hindi totoo ‘yung balita.
Hoping si Xian na sana raw tanggapin ng mga solid Kimerald fans ang kanilang tambalan. Biggest break ito ng binata kaya ibibigay niya ang best performance niya ever sa teleseryeng ito. Maging kami ay excited na makita sila on screen kung may chemistry nga ba bilang bagong loveteam.
Kasama rin sa cast ang nakababatang kapatid ni Liz Uy na si Laureen Uy. Siyempre, sa tulong at koneksiyon ng utol niyang celebrity stylist kaya nabigyan agad ng project. Ngayong graduate na siya ng college, puwede nang matupad ang kanyang pangarap na maging magaling na actress. Napakasuwerte nga raw niya dahil first teleserye, kasama agad si Kim. Passion ng dalaga ang pag-arte kahit noong bata pa siya. Gusto niyang makatrabaho sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.
INI-ENJOY NA NGAYON NI ni Kean Cipriano ang pag-aartista. Pasalamat siya sa TV5 sa pagbibigay sa kanya ng break. Bukod sa malaki na ang kita, sumisikat pa ang banda niyang Callalily. Kinakarir na nito ang pag-arte, isa siya sa leading men ni Eugene Domingo sa indie film na Ang Babae sa Septic Tank. Personal choice din siya ni Vice Ganda bilang leading man sa susunod na pelikula nito.
Nang maging hurado si Kean sa Showtime, naging vocal si Vice na crush niya ang rock lead singer. Nakisakay ang binata sa mga birong-totoo ng ko-medyante na ikinatuwa naman ng audience sa loob ng studio. May nagbiro nga, “Papa’no kung may kissing scene sila ni Vice sa pelikula, payag kaya ang guwapong singer? “Depende kung kailangan talaga ng kiss at kailangan sa istorya, why not? Kahit showbiz ang naging sagot ni Kean, pinagdiinan niya ‘yun daw ang totoo. Kinilig naman ang mga fans ni Vice sa naging sagot nito.
NANG UNA NAMING mapakinggang umawit si Suy sa radio program ni ‘Nay Cristy Fermin at Richard Pinlac sa TV5, nahalina kami sa ganda ng boses ng dalaga. Ibang klase ang hagod ng kanyang boses na para bang idinuduyan ka sa kalawakan. Kahit hindi pa nailo-launch ang bagong album ng acoustic singer ng Ivory Records pinatutugtog na sa iba’t ibang FM radio stations ang kanyang version ng awiting “The Only Exception.” Binigyan din ng bagong areglo sa sarili niyang new version ang kantang “Smile,” “Sweet Dreams,” “Pray” at “Halo”.
Masasabing last year ang biggest break kay Suy dahil pinapirma siya ng exclusive contract ng Ivory Music & Video ni Mr. Steven L. Tan. Ni-record niya ang first album entitled “Simply… Suy”. She has a new album now titled “Suy: Under Covers”, ang carrier single ay “Just The Way You Are” ni Bruno Mars. Ni-launch ang album ni Suy nu’ng concert ng international artist na si Bruno Mars sa Araneta Coliseum.
Super successful ang first out-of-the-country show ni Suy sa Pinoy Musik Festival sa New Jersey, U.S.A last May 14. Sinuportahan ang acoustic singer ng ating mga kababayang Pinoy na nani-nirahan doon. Taos-puso ang kanyang pasasalamat. Regular na nagpe-perform si Suy sa Ponggo’s Grill, Tomas Morato every Wednesday. See you there!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield